Solace’s Point of View
Nagdaan ang isang araw at maaga akong gumising para ihanda ang sarili ko sa triplets. Mga 8AM pa ang gising nila kaya naman naligo muna ako at sinuot na ang uniporme ko. Sinabayan ko na ring kumain ng breakfast sila Lily. Umakyat na ako para gisingin ang triplets. Kakatakot na sana ako sa pinto ni Taty pero lumabas na siya ng kwarto niya at nakaayos na. May bitbit na rin siyang libro sa kanang kamay niya at nginitian ako ng maikli bago bumati. “Good morning, Ate Sol.” Kay Teagan na kwarto ang sumunod. Nang buksan ko ang pinto niya ay may biglang humampas na unan sa mukha ko. Akala ko ay unan lang ‘yon pero may kasamang harina. Napaubo pa ako dahil maraming pumasok sa ilong at bibig ko. Narinig ko pa ang pagtawa niya bago ako daanan at tumakbo pababa ng hagdan. Kinalma ko ang sarili ko dahil dalawang araw pa lang naman ng pagsasama namin. Sumunod akong kumatok sa pinto ni Timy at nadatnan ko siyang natutulog pa. Ang cute niyang tignan sa dinosaur pajama niya habang yakap niya ang dinosaur na stuffed toy. Marahan ko lang siyang tinapik at ginigising. Mabuti na lang at maganda ang gising niya. Nagpabuhat siya sa akin kaagad dahil parang ayaw niya pa maglakad. Sabay na kaming bumaba nila Taty at Timy at nadatnan namin si Teagan na nakaupo na sa dining area habang pinaghahandaan siya ng pancakes ni Lily. “Lily, make her leave.” Saad ni Teagan kay Lily. Sinabihan naman ako ni Lily na huwag na lang masyadong dibdibin ang sinasabi ni Teagan dahil nga sadyang mapilyo lang siya. Pinakain ko na sila Taty at Timy ng pancakes. Nag-re-request pa si Timy na bigyan ko raw siya ng chocolate syrup pero naalala ko ‘yung sinabi ni Sir Eiron tungkol sa mga sweets. “What about a maple syrup? Can I have it?” Tanong ni Timy sa akin. How can you say no to this little cute? “Okay, pero kaunti lang ha?” Tumango naman si Timy nang sabihin ko ‘yon. Matapos nilang mag-breakfast, pinaliguan ko na silang tatlo. Nahirapan pa ako dahil pilit kumakawala ni Teagan. Ayaw niyang hawakan ko siya o kahit na ano kaya sinabihan ko si Lily na tulungan ako. Pumayag naman siya at siya ang nagpaligo kay Teagan. Binihisan ko na si Timy ng dinosaur terno. Si Taty naman ay gusto ang white knitted vest at grey shorts. Habang si Teagan ay gusto ng white polo shirt at brown maong pants. Nagtungo na kami sa garden kung saan sila gustong maglaro. Ang laki ng tatakbuhan nila kung sakaling gusto nilang magtakbuhan kaso may sari-sarili silang mundo. Ganito lang ang gagawin namin hanggang 10AM bago sila mag-lunch ng 11AM. Meron din silang afternoon naps kaya iniisip ko na kung anong magandang gawin kagising nila. Nilapitan ko si Taty na abalang nagbabasa ng libro. “Gusto mo talaga ang science ‘no?” Tanong ko rito. Tinigil niya ang pagbabasa at tinignan ako. “Yes, I love it.” Masayang saad niya. Natitigan ko naman ang mukha niya at hulmang-hulma ang mukha ni Sir Eiron sa mukha niya. Nalaman ko na siya pala ang pinakamatanda sa triplets, sumunod si Teagan at pinakabata si Timy. Naalala ko tuloy ‘yung kapatid kong sumunod sa akin kay Taty. Mahilig din magbasa ‘yun si Silas at magaling sa school. Para ko lang din inaalagaan ang mga kapatid ko sa triplets na ‘to. Nilapitan ko naman si Timy na hindi nagsasawang laruin ang mga dinosaurs niya. “What’s your favorite dinosaur?” Tanong ko sa kaniya habang umuupo sa picnic blanket niya na nakalatag sa lapag. “My favorite dinosaur is Wannanosaurus.” Masaya niyang sambit. Napaisip naman ako sa sinabi niya. Ngayon konlang yata narinig ‘yung ganoong klase ng dinosaur. Ang pamilyar lang sa akin ay ‘yung T-rex at Raptor. Sinubukan ko namang lapitan si Teagan na may hawak na ngayong hose. “Teagan—” Napahinto ako sa pagtawag sa kaniya nang itapat niya sa akin ‘yung hose dahilan para mabasa ako. “Teagan, stop!” Rinig ko ang boses ni Timy na pinahihinto si Teagan sa ginagawa niya. Masyadong malakas ang pressure ng tubig na tumatama sa mukha ko kaya hindi ko nakikita ang nangyayari. Nakahinga na lang ako nang maayos ng biglang huminto ‘yung hose ni Teagan. Napatingin ako kay Taty na siya pala ang pumatay nung gripo na naka-connect sa hose. “Oops,” Kibit balikat na saad ni Teagan at tinawanan ako. Nabigla rin naman si Lily sa mga pangyayari kaya kumuha na lang siya ng towel at iniabot sa akin. “Pagpasensyahan mo na, noong unang araw ko rin na tagalinis ng mga kwarto nila ay kung ano-ano ang ginagawa ni Teagan sa akin.” Pagpapasensya ni Lily sa akin. Naiintindihan ko naman na pilyo dahil nga bata. Pero hindi ko mapigilang isipin kung bakit ibang-iba siya kila Taty at Timy. Sabi ni Lily magpalit daw muna ako at siya na bahala sa triplets. Pumasok na ako ng bahay at nabigla nang makita si Sir Eiron na papunta sa garden. Nagtataka siyang nakatingin sa akin dahil siguro sa mukha ko ngayon. “What the hell happened to you?” Nakataas na kilay niyang saad. Nakasuot pa siya ng office attire niya at mukhang walang tulog. “Aksidente lang po, Sir. Nandoon ‘yung triplets sa garden, magpapalit po muna ako.” Bahagya pa akong yumuko at umakyat na. Hindi ko na hinintay ang sasabihin ni Sir Eiron at alam ko naman na dumeretso na siya sa garden. Matapos kong magpalit lumabas na ako sa room ko at pupunta na sana sa ibaba kaso nakaabang pala si Sir Eiron sa labas ng room. “Nakita niyo na po ba ‘yung triplets—” Nahinto ako sa sasabihin ko nang bigla siyang magsalita. “Don’t tolerate what Teagan is doing to you. If you need to discipline them, you have my permission.”Solace's Point of ViewNaghanda na kaming lahat para sa pupuntahan na graduation ni Silas. Ang sabi ko nga kila Eiron ay mag-stay na lang sa bahay dahil baka matagal sila at mag-ma-march pa 'tong si Silas. Nag-insist naman silang pumunta lahat kaya wala na kaming nagawa at sumakay na sa sasakyan ni Eiron. Mabuti na lang at malaki ang sasakyan niya dahil nagkasya kaming lahat."Ate, dalawa kayo ni Nanay ang magsasabit ha?" Sabi naman ni Silas sa akin habang nasa likod siya ng parte ng kotse."Bakit hindi si Tatay?" Tanong ko naman dito. Kasama naman sila Nanay at Tatay kaya mas maganda na silang dalawa ang umakyat ng stage kasama si Silas."Ano ka ba, 'nak. Ikaw ang ni-request ng kapatid mo." Pagbawal sa akin ni Tatay."Oo nga, Ate, tsaka sa graduation ko naman ay si Tatay at ikaw naman ang paaakyatin ko." Sabi naman ni Samuel sa gilid ko. Natuwa naman ako sa mga sinabi niya kaya nginitian ko silang dalawa. "Are we going to the mall?" Tanong naman ni Teagan sa tabi ko. Nagtawanan nama
Solace's Point of ViewBuong akala ko ay wala na silang mga pasok dahil sasama sila sa akin sa pag-uwi ng probinsiya. 'Yun pala ay hindi talaga sila papasok. Hindi ko ba alam dito kay Eiron kung bakit mas pinipili pang sumama sa akin? Bukod sa walang magbabantay sa triplets, nandiyan naman si Lily para asikasuhin sila."Yes! We're going on vacation!" Masayang saad ni Timy habang kinukuha na ang mga stuff toy niya at inilalagay na sa likod ng sasakyan."Timy, can you leave some space for us?" Tanong naman ni Teagan sa kapatid niya at mukhang may mga dala rin laruan. Akala naman ay isang linggo kaming mag-stay doon, ilang araw nga lang kami roon para umattend lang sa graduation ng kapatid ko."Let's go," Biglang anunsyo ni Eiron kaya naman lahat kami ay sumakay na sa sasakyan. Nakakatuwa rin dahil pangalawang beses na nila babalik sa probinsya namin at matutunghayan pa nila 'yung graduation ng kapatid ko na si Silas.Mabilis lang naman 'yung biyahe dahil maaga kaming umalis sa siyudad.
Solace’s Point of View“Sol! Nasaan na ang mga alaga mo?” Tanong sa akin nung isa kong mga nakakausap dito sa waiting shed. Nagtataka na rin ako dahil nagsilabasan na ‘yung ibang mga bata habang ‘yung triplets ay hindi ko pa nakikitang lumabas sa classroom.Agad na akong pumasok sa loob ng classroom nila at nakita ko namang kinakausap sila nung isang teacher. Kumatok ako sa pinto para malaman ng teacher na nandito ako sa labas. Napatingin naman sila sa akin at agad akong pinapasok.“Ma’am, may problema ho ba?” Tanong ko rito. Sa totoo lang ay mukhang wala namang problema pero parang ang seryoso ng pinaguusapan nila. Napatingin naman sa akin ‘yung triplets at parang hindi rin alam kung ano ang sasabihin.“Tinatanong ko lang ho sa mga bata kung bakit walang parents ang pumunta noong nakaraang Sabado.” Sabi naman nung teacher sa akinNagtataka naman ako at iniisip kung ano ang meron noong nakaraang Sabado. Wala naman akong natatandaan na sinabi ‘yung triplets dahil day off ko ‘yon at nag
Solace’s Point of ViewIlaw araw pa ang nakalipas at nasasanay na ‘yung triplets na pumasok ng school. Nasasanay na rin akong hintayin sila araw-araw.Ganito lang naman ang lagi kong ginagawa sa araw-araw. Nagiging kakilala ko na rin ‘yung mga ibang nagbabantay dito.Nag-text naman sa akin si Eiron na after class daw ng mga bata ay dumeretso raw kami sa mall. Hihintayin niya kami roon kaya naman dali-dali kong kinuha ‘yung triplets nung labasan na nila.“We’re going to the mall?!” Gulat na saad ni Teagan at nagtatalon-talon.“Oo, kaya tara na,” Sabi ko sa kanilang tatlo at dumeretso na sa kotse ni Manong Ferrer.Sinabi ko naman sa kaniya na sa mall na sinabi ni Eiron. Nakarating na rin kami kaagad doon at nakita namin si Eiron na naghihintay sa isang restaurant.“Let’s eat first before we play and go shopping,” Paalala ni Eiron kaya naman kaming apat ay kumakain na sa iisang table.“Dad, I want chicken,” Sabi ni Taty at tinuro ‘yung nasa kabilang table.“Daddy, soup, please,” Sabi nam
Solace’s Point of View“How is the triplets’ school?” Tanong sa akin ni Eiron nang hatiran ko siya ng pagkain sa office.“Okay lang naman daw, si Teagan hindi talaga fan ng school.” Sabi ko rito. Natuwa naman si Eiron sa sinabi ko at napatango. Nakita ko namang mukhang marami siyang ginagawa na mga works na nasa table niya, kaya naman lumabas na ako para makapag-focus siya sa mga gagawin niya.Tulog na rin naman ‘yung triplets dahil may pasok pa rin sila bukas. Nagpahinga na lang din ako at humiga sa kama para mag-isip.Iniisip ko pa rin ‘yung gabing ‘yon, wala akong mahanap na tamang oras para itanong kay Eiron ang tungkol doon. Baka naman kasi nakalimutan na niya dahil nilalagnat siya nung araw na ‘yon.Paano na lang ako na tandang-tanda ko pa hanggang ngayon? Parang sobrang linaw pa nga sa mga isipin ko ‘yung gabing nangyari ‘yon.Pinahilamos ko ang mga kamay ko sa buong mukha ko dahil hindi ko na alam ang mga pinag-iisip ko ngayon.Kinabukasan ay maaga akong nagising at ganoon na
Solace's Point of ViewFirst day of school na ng triplets ngayon at mukhang excited si Taty dahil mas nauna pa siyang nagising kaysa sa akin. Hinanda na rin ni Lily 'yung breakfast nila para makakain na 'yung triplets bago ko sila samahan sa school.Ilang oras lang naman sila roon at hindi ganoong katagal. "Okay, practice tayo, introduce yourself, and how old are you?" Sabi ko rito sa tatlo habang pababa kami ng hagdan. "I am Tatum Elias Hawthorne and I am five years old," Buong saad ni Taty, at talagang hindi siya nahihiya dahil siya ang pinaka-confident magsalita sa kanilang tatlo."Teagan Eliot Hawthorne," Maikling saad ni Teagan at mukhang hindi natutuwa sa mangyayari sa kaniya ngayong araw."My name is Timothy Eliel Hawthorne and I am five years old," Magiliw na saad ni Timy. Nakasuot lang sila ng uniform nung school, light brown polo and dark brown pants 'yung for boys. May maliit din na black necktie para sa boys. Ang cute nga nilang tignan sa mga uniform nila. "Is Daddy c