Babysitting the Billionaire's Triplets

Babysitting the Billionaire's Triplets

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-07-26
Oleh:  sahria ivBaru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
Belum ada penilaian
7Bab
5Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

In a world full of hardships and challenges. Solace Rhian Garcia, a woman who grew up without any supervision from her parents, seeks a job in a huge city. A single father, Alistair Eiron Hawthorne, who is a known billionaire in the country, seeks a reliable babysitter to take care of his triplets, Tatum, Teagan, and Timothy. The two of them will cross paths in their own needs, seeking comfort in life as they tackle the everyday scenarios. Solace may find handling a child hard, but what if three children are what she’ll handle all at once? Will Eiron find himself loving another woman? Or he’ll just focus on his children. Two different worlds will collide, apart from chaos, there is a peace.

Lihat lebih banyak

Bab 1

Chapter 1

Solace’s Point of View

Ika nga ng mga magulang ko, mas mabuti na ang mapalayo sa isa’t-isa kung mapapabuti naman ‘to para sa pamilya. Doon ko na-realize na aanhin ko na magkakasama kami pero nahihirapan naman.

Lumaki ako sa pamilya na nairaraos lang ang isang araw. Hindi man namin alam ang kahaharapin namin kinabukasan kaya sinisigurado na naming maayos ang ginawa namin ngayong araw.

Habang pasakay na sa bus na papunta sa siyudad, napagmamasdan ko ang mga pamilyang nag-iiyakan sa aking gilid. Hindi na ako naihatid nila Nanay at Tatay dahil busy sila sa palengke. Ang tatlo ko namang kapatid ay may pasok sa eskuwelahan.

Ngayon na ang araw na pupuntahan ko ‘yung nakita ko sa bulletin board na naghahanap sila ng babysitter. Para sa akin, ‘yon ang magandang kunin kong trabaho dahil magaling naman ako sa mga bata. Bata pa lamang ang mga kapatid ko, ako na ang nag-aalaga sa kanila.

Wala na akong panahon pa para malungkot dahil kailangan kong kumayod.

Nang makarating sa sinasabing kumpanya, nagtanong-tanong ako sa mga tao sa paligid, at halata naman sa mga itsura nila na marami silang ginagawa. Para silang mga alipin ng salapi.

Naloloka naman ako dahil sa taas ng building na ‘to! Ang pupuntahan ko pa ay sa 27th floor nakapuwesto. Habang nakaiwan ang mga gamit ko sa ibaba, naglakad na ako sa hallway ng pang-27th floor na ito.

Kumatok muna ako sa office na sinasabi bago ko narinig ‘yung tao sa loob na sinabing puwede na ako pumasok.

Tinuro niya ang upuan na nasa harapan niya habang may tinitignan na files. Kung sa unang tingin pa lang ay aakalain kong artista itong nasa harapan ko. Bukod sa maganda ang postura at hulma ng mukha, ibang klase rin ang amoy ng pabango niya, nahuhumaling ako sa bango.

“Why would I hire you for this job?” He asked. Ang lalim ng boses niya at parang wala itong emosyon. Nakakatakot pero parang hindi nakakasawang pakinggan.

“I am fond of little kids, and I had a lot of experience, sir.” Masaya kong sagot dito.

“Is that it?” He raised his eyebrows at me.

Medyo kinabahan ako sa tingin niya dahil parang hindi siya natuwa sa sagot ko.

“No, sir. I can assure you that your kid is safe with me, and I won’t be just a babysitter. I can be his or her friend and someone who she or he can rely on.” Mahabang sagot ko. Matagal pa siyang napatingin sa akin bago ibalik ang mga tingin sa files na hawak niya.

Sa tingin ko ay resume ko ‘yon pero parang sobrang kapal naman para maging resume ko lang.

“You’re hired,” Saad niya na nagpasaya sa buong kalamnan ko. Magiliw akong nagpasalamat at nginitian siya.

“70 thousand pesos a month, free of living, food, and whatever accident might happen to you, we are in charge of it.” Dagdag niya na nagpamaang sa akin.

70 thousand?! A month?! Babysitter lang ako pero ang taas naman ng magiging sahod ko!

Nagpasalamat ako lalo dahil hindi ko inexpect na ganoon kataas ang sahod ko. Pinaalis na niya ako at sinabing puntahan ‘yung driver na nasa baba na dahil magsisimula na ako ngayong araw. Wala naman akong pinalya at sinunod na lang ang sinasabi niya.

Nakilala ko si Manong Ferrer, na driver ng boss ko. Ni hindi ko pa nga kilala ‘tong boss ko at magsisimula na ako kaagad. Mamaya ko na siya balak kilalanin at nasisiyahan na akong simulan ‘tong trabaho ko.

Hindi ganoon katagal ang byahe namin at akala ko ay nasa isang subdivision kami. ‘Yun pala ay pagmamay-ari niya itong buong hacienda na ‘to. Nag-drive pa si Manong Ferrer hanggang sa dulo ng daanan na may mga puno sa gilid at malinis ang dinadaanan ng kotse. May nadaanan pa akong malaking fields at mukhang may stable pa ng mga kabayo. May fountain din sa gitna ng malaking daanan bago ang isang magarbong mansion na nasa harapan ko na ngayon.

Kaya pala ang laki ng sahod ko dahil sobrang yaman pala nitong boss ko.

May mga sumalubong sa aking ibang katulong at kinuha ang mga gamit ko. Tatanggi pa sana ako kaso nagpumilit sila na dalhin ito sa tutulugan ko.

“Hello, ikaw ba ‘yung bagong babysitter?” May biglang nagsalita sa tabi ko kaya naman napatingin ako.

“Ah, oo. Solace nga pala.” Inilahad ko ang kamay ko at ngumiti sa kaniya. Mukha rin siyang bata at nakauniporme katulad nung mga ibang katulong.

“Lily, in charge ako sa paglilinis ng rooms.” Nakangiting saad niya. Nagpresenta siya na ilibot ako sa buong mansion para naman malaman ko ‘yung mga pasikot-sikot dito at hindi ako maligaw.

Madali ko lang din siyang naging ka-close dahil na rin sa hindi nalalayo ang edad namin. Matagal na siya rito at kinupkop na siya nung boss ko para paaralin at pagtrabahuhin.

“Alistair Eiron Hawthorne, sobrang yaman niyan ni Sir, plus ang pogi pa. Tinatawag namin siyang Sir Eiron pero hindi siya nakikipag-usap sa amin kapag hindi importante.” Tuloy-tuloy niyang saad at pagpapakilala sa boss ko na boss niya rin.

Nagtungo kami sa likod ng bahay, at mukhang ito na ‘yung backyard o ‘yung garden nila.

Sinabi niya na nandoon daw ang aalagaan ko kaya ipapakilala niya ako sa kanila.

Nang nasa labas na kami, nabigla naman ako nang makita ang tatlong bata na may sari-sariling mundo sa likod ng bahay.

Kaya pala 70 thousand a month ang offer, hindi naman ako na-inform na tatlong bata pala ang aalagaan ko.

“Triplets sila?” Tanong ko kay Lily. Tumango naman si Lily at tinawag ‘yung tatlong bata.

“Kids, magpakilala kayo sa bagong babysitter niyo!” Magiliw na saad ni Lily.

“My name is Timothy Eliel Hawthorne. You can call me Timy!” Masayang saad nung isang bata at niyakap ako kaagad. Bumaba naman ako saglit at tinapatan ‘yung height niya. Bahagya niya pang pinisil ang mga pisngi ko at niyakap ako. Nakasuot siya ng black jogger pants at white sando.

“You’re pretty,” Timy giggled, which made me chuckle.

“I’m Tatum Elias Hawthorne, everyone calls me Taty. I am happy that you are here.” Mahinahong saad nung isa pang bata na si Taty. Natuwa naman ako dahil ang cute ng suot niyang brown maong pants and navy blue knitted vest.

Mukhang ang chill niya tignan para sa edad niya.

Napatingin naman ako sa isa na walang balak magsalita at tinititigan lang ako mula ulo hanggang paa.

“Teagan Eliot Hawthorne, and I don’t like you.”

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

Tidak ada komentar
7 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status