Tila umahon mula sa pagkakalunod si Valentina nang binitawan ni Cecelia. Bagamat nangingisay ay kaya pa rin nitong gantihan siya ng nakakalasong tignin. She is really provoking her. Kung masamang tao siya, baka kanina pa niya napatay. “Pasalamat ka, hindi mo pa oras ngayon!” bulyaw niya sa mukha nito.Habol ang hininga nitong hinawakan ang leeg. Halos luluwa ang mga mata sa tindi ng galit. “P-Paano, paano mo nalaman ang tungkol sa anak ko?!”Ngumisi siya—iyong mapangutyang ngiti. “Naalala kasi ako ng Diyos, naawa siya sa akin kaya binigyan niya ako ng pagkakataon na malaman ang sekreto mo.”Umakma itong susuntukin siya. “At ikaw rin iyong nam-blackmail sa akin, tama?”“At binayad mo sa lalaki mo ang pera na dapat sa akin.” Inikot niya ang mga mata. “You’re stupid as ever. Akala mo siguro matalino ka na sa utak monggo mong iyan? Yes, inagaw mo ang asawa ko. Yes, pinatay mo ang anak ko. And yes, sinisingil ka na ngayon ng kasakiman mo!”Umikot-ikot siya, parang kinakalkal niya ang kalul
Terakhir Diperbarui : 2025-09-30 Baca selengkapnya