“Tanga lang ang may kakayahang gawin iyon,” matigas na sambit ni Cecelia. Nasa kalagitnaan siya sa pagkain pero biglang umasim ang tyan niya at nawalan siya ng gana dahil sa tanong nito. “Pwede bang umalis ka na? Bigyan mo naman ako ng space para kumain.”“Kanina lang ay atat kang malaman ang totoong pagkatao ko tapos ngayon—”“Ang totoo, galit ako sa mga taong mahilig magtago ng sekreto. Nakalimutan mong isa akong bikitma n’on,” putol niya.“I’m sorry kung hindi ko agad sinabi sa’yo. Sigurado matatakot ka at kamumuhian ako. Nakatatak na sa mga katulad mo na isang kriminal ang Mafia boss. Oo, aminado akong kriminal ako, marami akong inagrabyadong tao, marami akong pinatay. Nakita mo naman iyon, ‘di ba? Pero hindi ko magagawang saktan ka. Mahal kita at mahalaga ka sa akin, mas mahalaga pa sa daan-daang gintong nakatago sa lahat ng underground.”Natilihan siya sa hindi inaasahang pagtatapat nito. Sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan nila pero hindi niya maalis ang mga mata sa l
Última actualización : 2025-10-09 Leer más