“Patay na si Valentina,” balita ng sekretaryo ni Maxwell. Kalalabas lang niya sa bilangguan matapos pikutin ang mga awtoridad. Binayad niya ang kahuli-hulihang natitira niyang kayaman at ngayon ay mahahantong na siya sa lansangan. Minasahe niya ang noo. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya—matutuwa, malulungkot o magagalit? Fvck this life! Yeah, galit siya kay Valentina pero ang mahantong ito sa ganoong sitwasyon—ang mamatay dahil sa tindi ng kasakiman, galit at inggit kay Cecelia. She doesn’t deserve it. Lumaki itong walang mga magulang, pamilya at kulang sa pagmamahal. Nabulag sa paniniwala na mamahalin ito ng lahat sa kabila ng masamang ugali nito. Tao lang si Valentina, at hangad din nitong lumigaya. Minsan din niyang minahal ang babae, ito ang pumuno ng pangungulila niya kay Cecelia. Nabibigay nito ang hindi kayang ibigay ng dati niyang asawa. Napoot lamang siya matapos malaman na gusto lamang siyang gamitin. Nahihirapan tuloy siyang tanggapin na namatay ito. “Pa
Última actualización : 2025-10-03 Leer más