Irina POVIto na nga. Kabado na ako. Ito na ang araw ng engagement party namin ni Ravi Lopez.Nang bumungad sa amin ang gate ng resort, parang napasinghap ang lahat ng kasama ko. Ang logo ng Lopez Beach Resort ay naka-engrave sa magara na marmol, ‘tapos may mga guard pang nakaputi, at ang paligid ay puno ng tanim na palm trees na nagdadagdag ng ganda ng resort. May mga staff na nakapila sa gilid, naka-uniform at nakangiti, na para bang lahat sila ay nakausap ni Ravi, na dapat ay pagdating namin, handang-handa sila.“Grabe, Ate Irina,” bulalas ni Haide, sabay hawak sa braso ko. “Ganito pala kapag billionaire ang fiancé mo! Sobrang yaman ni Kuya Ravi.”Ngumiti ako, saka tumingin sa paligid.“Pangalawang beses ko na rito. Dati, wala pa, secretary palang ako ni Ravi. Sinong mag-aakalang sa resort pala nito magaganap ang engagement party namin,” sabi ko sa kaniya, habang katabi ko si Mama.“Baka maiyak ako mamaya,” sabat naman ni Shirley, habang nakasilip sa bintana. “Tingnan mo ‘yung beac
Last Updated : 2025-10-06 Read more