3RD PERSON'S POV “Oh my gosh, it's Avery nga... And that man, I saw them at the hospital carrying a child. May anak na siya sa lalaking yan. Maybe iyan na ang bago niya after ni Simon? Hay sana naman this time magtino na siya dahil may anak na sila.” napapalatak na turan ni Natalia. Sinadya niyang sabihin ang mga bagay na iyon para pasimpleng ipaalam kay Travis ang estado ni Avery. Gumalaw naman ang mga bagang ni Travis habang nakatitig sa dalawang taong kauupo lang sa pandalawahang lamesa, ilang metro ang layo sakanila. Kitang-kita niya ang matatamis na mga ngiti ni Avery kay Luis. Bigla na lang sumikdo ang kaniyang dugo. “Let's eat, Natalia. Don't mind them.” malamig niyang turan saka itinuon ang paningin sa kaniyang pagkain Natahimik si Natalia na panaka-nakang sumusulyap kay Travis na tahimik lang na kumakain at walang imik. Hindi niya mawari ang tunay na nararamdaman ni Travis. Tahimik lang ito at tila balewala lang dito na makitang muli si Avery, ngunit parang hind
Última actualización : 2026-01-16 Leer más