AVERY'S POV “Hubby ko, pwede bang dito mo na lang ako sunduin sa University?” turan ko kay Travis sa kabilang linya. Tapos na ang klase, kaya naman tinawagan ko siya, para magpasundo. “Why, hindi ka ba pupunta sa ospital?” Napailing ako kahit hindi nya naman nakikita ang beauty ko. “Hindi muna, hubby ko.” mahina kong tugon. “Why, may nangyari ba?” bakas sa tinig niya ang pag-aalala. “Hmm.. Mamaya na lang siguro natin pag-usapan sa bahay.” tugon ko dahil hindi pa ako ready na magkwento. “Matatapos pa lang ang meeting ko. Mahihintay mo ba ako dyan o gusto mong ipasundo na lang kita kay Mang Poldo?” Muli akong umiling. “Hihintayin na lang kita dito.” sagot ko sakanya. “Okay, sige.” Lumakad ako patungo sa quadrangle kung saan may mga bench na pwede kong upuan habang naghihintay kay Travis. Tinext ko na lang siya na doon ako maghihintay sakaniya. Syempre kabisado niya ang University dahil ang pamilya niya ang may-ari nito. Hapon na kaya naman hindi na mainit tu
Huling Na-update : 2025-10-23 Magbasa pa