"Wala akong magagawa para sa mama mo, Verlyn." Iyon lang at iniwan na niya ito. Pero hinabol siya ni Verlyn. Halos magnikluhod na ito sa kaniya. "Verlyn, tumayo ka. Huwag kang gumawa ng eksena rito--" "Aya, please? Hindi ko hinihiling na tulungan mong makalaya ang kapatid ko...ang hinihiling ko lang, tulungan mo 'kong makita niya si mama bago man lang mawala. Please? Please, Aya. Please." "Tapos na kayong maging parte ng buhay ko. Matagal na. So kung anuman ang nangyayari sa inyong pamilya ngayon, labas na ako riyan." "Aya..." "Excuse me." Binaklas niya ang mga kamay nitong nakahawak sa kaniya, saka ito iniwang nakaluhod sa hallway ng hospital. Malayo na siya nang lingunin niya si Verlyn. Nakatayo na ito, pero nakatingin pa rin sa kaniya. Napailing siya, saka muling naglakad patungo sa kinaroroonan ng elevator. Oo, matagal na siyang nagpatawad sa mga taong sinubukan siyang sirain, pero hindi ibig sabihin niyon ay nakalimot na siya. Napabuntong-hininga siya, saka napang
اقرأ المزيد