Nawala ang ngiti niya nang baklasin nito ang mga braso niyang nakapulupot sa leeg nito. Nagpapakipot pa rin talaga. "Tingnan mo po siya, Lord, nagpapakipot pa rin talaga." Sumbong niya kay Lord. Tinalikuran siya ni Nick. Mukhang aalis na ito at iiwan siya. Sa halip na sundan ito, hindi niya ginawa. Sa halip, inalis niya ang suot na roba at tumalon sa tubig. Napasigaw siya nang manuot sa katawan niya ang malamig na tubig sa pool. "Malamig pala." Natatawa niyang sabi at pagkuwa'y lumangoy nang lumangoy. "Hubby, come here. Join me." Tawag niya sa asawa. "Ang lamig na, Aya. Umahon ka na riyan. Matutulog na tayo. Maaga pa ako bukas." Pagmamatigas nito. "Kung hindi mo 'ko kakausapin, magsu-swimming na lang ako." "Aya, baka magkasakit ka. Gabing-gabi na ang magsu-swimming mo." "Hindi iyan. Halika na. Ang sarap kaya ng tubig. Ang lamig. Come here, hubby!" Nang hindi ito tumalon sa tubig, nakaisip siya ng kapilyahan. Ayaw mong mag-swimming, huh? Sa loob-loob niya habang
Magbasa pa