Home / Romance / MY BOSS, MY SECRET HUSBAND / SPECIAL CHAPTER 3.1

Share

SPECIAL CHAPTER 3.1

Author: GirlonFire28
last update Petsa ng paglalathala: 2026-07-07 21:56:50
NAGISING si Nick mula sa masarap na tulog na ang unang namulatan ay ang kaniyang napaka-fresh na asawa na ngayon ay nakatunghay sa kan'ya. Bagong ligo ito. May towel pang nakabalot sa ulo at tanging puting roba lamang ang takip sa katawan. Sigurado siyang sa loob ng puting roba na iyon ay wala itong kahit anong saplot.

Nakaupo ito sa gilid ng kama, nakatukod ang isang kamay sa gilid niya. At ang mga mata, nangungusap na parang siya na ang pinakaguwapong lalaki sa mundo. Her stare, it's heaven
GirlonFire28

thank you

| 11
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rizz Quan
oo problema nya c rome.........
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    SPECIAL CHAPTER 7

    NATAWA NANG MAHINA si Aya nang makita ang asawa na tulog na tulog sa kanilang kama. Katatapos lamang niyang maligo dahil ungot nang ungot ng sexy time ang kaniyang asawa. Pauwi pa lamang sila kanina mula sa hospital ay wala na itong ginawa kundi ang harutin siya sa loob ng sasakyan. At sino ba naman siya para pahindian ang naglalambing na asawa. Kaya pagdating nila sa mansiyon, kaagad siyang naligo. Wala, eh. Excited rin siya. "Nagsabon pa naman ako nang maige para mabango tapos iyon pala, tutulugan lang ako." Napapangiti niyang nilapitan ang asawa. "Ang yabang mong magyaya tapos tutulugan mo lang pala ako. Paasa ka, ha." Pagbibiro niya, saka masuyong hinaplos-haplos ang mukha ng kaniyang asawa. "Bakit ba sobrang guwapo mo, ha? Wala na. In love na in love na naman ako sa 'yo." Iyong asawa na niya ito, pero sa tuwing tinititigan niya ito, kinikilig pa rin siya. Ang guwapo naman kasi talaga nito. Kahit pagod, puyat at stress, hindi halata. Mahahalata lang na pagod talaga ito ngayon

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    SPECIAL CHAPTER 5.2

    "Wala akong magagawa para sa mama mo, Verlyn." Iyon lang at iniwan na niya ito. Pero hinabol siya ni Verlyn. Halos magnikluhod na ito sa kaniya. "Verlyn, tumayo ka. Huwag kang gumawa ng eksena rito--""Aya, please? Hindi ko hinihiling na tulungan mong makalaya ang kapatid ko...ang hinihiling ko lang, tulungan mo 'kong makita niya si mama bago man lang mawala. Please? Please, Aya. Please." "Tapos na kayong maging parte ng buhay ko. Matagal na. So kung anuman ang nangyayari sa inyong pamilya ngayon, labas na ako riyan." "Aya..." "Excuse me." Binaklas niya ang mga kamay nitong nakahawak sa kaniya, saka ito iniwang nakaluhod sa hallway ng hospital. Malayo na siya nang lingunin niya si Verlyn. Nakatayo na ito, pero nakatingin pa rin sa kaniya. Napailing siya, saka muling naglakad patungo sa kinaroroonan ng elevator. Oo, matagal na siyang nagpatawad sa mga taong sinubukan siyang sirain, pero hindi ibig sabihin niyon ay nakalimot na siya. Napabuntong-hininga siya, saka napangiti. Hin

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    SPECIAL CHAPTER 5.1

    "MA, KAYO PO MUNA ULIT ANG BAHALA SA KAMBAL, HA?" Bilin ni Aya sa inang si Julie dahil pupuntahan niya sa hospital ang asawa. Dadalhan niya ito ng niluto niyang pagkain. Limang araw na itong nagbabantay sa ama sa hospital. Hindi niya ito mapauwi para magpahinga at matulog dahil ayaw iwan ang ama roon. Kaya halos araw-araw, pumupunta siya sa hospital para dalhan ito ng pagkain at pamalit na damit. At siyempre, para na rin tingnan ang lagay ng kaniyang byenan. At nagagawa niya iyon dahil sa suporta ng kaniyang ina na hindi na rin umalis ng mansiyon para bantayan ang kambal nila ni Nick. "Thank you so much, Ma, ha?" Muli niyang pasalamat sa ina, saka naglalambing na yumakap. "Oo naman, Anak. Huwag mo na munang isipin ang kambal, kami muna ng papa mo ang bahala sa kanila. Samahan mo na lang muna ang asawa at byenan mo roon," ani Julie sa anak. "Salamat po, Ma. Sobra. Sobrang laking bagay po sa akin na nandito kayo para sa kambal. Hindi ako nag-aalala na iwan sila rito. Kaya salamat p

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    SPECIAL CHAPTER 5.2

    "Hindi ka na galit sa kaniya?" Tumango siya. "Talaga? Pinatawad mo na ang daddy mo?" Paniniyak nito. "Yes, Mom. Mahal ko pa rin pala siya at hindi ko siya kayang makitang ganito ang sitwasyon." "Oh, anak. Thank you." Yumakap sa kaniya ang ina, niyakap niya ito pabalik. Mas mahigpit. Matagal. "Matutuwa ang daddy mo kapag nalaman niyang hindi ka na galit sa kaniya, anak." Sabi ng kaniyang ina pagkatapos nilang bumitaw sa isa't isa. "Gagawin natin ang lahat para gumaling pa si Dad, Mom. Hindi namin kayo pababayaan." "Salamat, anak. Salamat sa inyong mag-isa." Hinawakan nito ang kamay nilang dalawa ni Aya. "Salamat dahil nandito kayo. Gustong-gusto kong ipaalam sa inyo ang tungkol sa lagay niya noong isinugod ko siya ng hospital, pero ayaw niya. Pasensya na kayo na hindi ko sinabi." "It's okay, Mom." "Alam na rin ba ng kapatid mo?" "Yes, Mom. On the way na rin si Kuya Nicholai papunta rito." Muling tumulo ang luha ng mommy niya. "Matutuwa ang daddy n'yo kapag na

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    SPECIAL CHAPTER 5.1

    SOBRANG BIGAT ng pakiramdam ni Nick nang mga sandaling iyon. At kung wala sa tabi niya ngayon ang asawa, hindi niya alam ang gagawin. Akala niya, hindi na lalambot ang puso niya para sa sariling ama, nagkamali siya. Dahil nang makita niya ang ama kanina na tila wala ng buhay, sobrang sakit ng naramdaman niya. Ni hindi niya kinayang makita nang matagal ang ama. Lumabas agad siya. Hindi niya kaya. Hindi niya kayang makita nang matagal na nasa gano'n itong sitwasyon. Masakit. Nagsisisi siya na umabot pa sa ganito bago niya na-realize na sa kabila ng mga nangyari, mahal pa rin niya ang ama. Aya's right, hindi perpekto ang kaniyang ama, pero minahal siya nito. Masakit. Sobrang nasasaktan siya ngayon para sa ama. Lalo na ng marinig ang kuwento ng doktor nito na mag-isang nagpapa-check up at nagpapa-chemo ang daddy niya. Napaiyak siya. Dahil hindi lingid sa kaniya na noong nasa hospital siya, palaging naroon ang daddy niya. Hindi lumalapit dahil alam na galit siya, pero ito hindi um

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    SPECIAL CHAPTER 4.2

    ALAS SAIS ng umaga, sakay na silang mag-anak sa helicopter patungo sa Isabela. Habang nasa himpapawid, doon muling nakaramdam ng kakaibang kaba si Aya. Hindi niya maintindihan kung bakit. Sinulyapan niya ang asawa, seryoso ito sa pagpapalipad ng helicopter. Pagkalipas ng ilang sandali, nasa malawak na bakuran na sila ng mansiyon ng mga magulang ni Nick. Katahimikan ang unang sumalubong sa kanila pagpasok ng mansiyon. Ang ganda ng mansiyon, pero ramdam niya ang lungkot niyon. Pagkatapos niyang igala ang tingin sa mansiyon, tiningnan niya si Nick. Nasa mga mata nito ang lungkot at pangungulila. Alam niyang bago siya dumating sa buhay nito, ang mansiyong ito ang naging tahanan niya. Na sa tuwing pagod na ito sa magulong mundo ng Maynila, dito ito umuuwi para magpahinga. Para huminga. Tahanang ilang taon nitong hindi inuwian dahil sa away nilang mag-ama dahil sa kaniya. Dahil sa pagdating niya sa buhay ni Nick. Malungkot siyang napangiti dahil alam niyang na-miss nito ang tahan

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 19

    Amaya Shannel's POV "1 WEEK." Mabilis akong napalingon kay Nick nang marinig ang sinabi niya. Sakay kami ng kotse niya.Nasa backseat kaming dalawa dahil hindi siya pumayag na hindi ako ihatid pauwi sa bahay bago siya lumuwas ng Manila. "Ahm, Nick, makikiusap sana ako na kung puwede 2 week

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 18

    AMAYA SHANNEL's POV NAPAMULAGAT NA lamang ako nang angkinin ni Nick ang labi ko. Pumayag akong magpahalik sa pisngi dahil nakamata sa amin si Judge Poster, hindi niya puwedeng mahalata na hindi kami totoong nagmamahalan ni Nick. Pero hindi ko sukat akalain na sa labi ako hahalikan ni Nick. Hi

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 17

    NICHOLAS POV HINDI KO MAINTINDIHAN ang sarili ko habang patungo kami sa opisina ng judge na magkakasal sa amin ni Aya ngayon. Literal na para akong gago na ngumingiting mag-isa. Daig ko pa ang teenager na excited sa date namin ng crush ko. Fvck! I'm too old to feel like an idiot. Kung malalama

  • MY BOSS, MY SECRET HUSBAND    CHAPTER 11

    AMAYA'S POV "P-PUWEDE BANG LUMAYO KA NA?" Pinilit kong hindi mautal nang sabihin 'yon. Sobrang lapit kasi ng mukha niya sa mukha ko at naiilang ako dahil doon. Kulang na lang ay dumikit ang mukha niya sa akin. Hindi ako kumportable. Napansin ko ang pagtaas ng isang sulok ng mga labi niya ba

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status