LOGINThank you so much, mga langga.
NATAWA NANG MAHINA si Aya nang makita ang asawa na tulog na tulog sa kanilang kama. Katatapos lamang niyang maligo dahil ungot nang ungot ng sexy time ang kaniyang asawa. Pauwi pa lamang sila kanina mula sa hospital ay wala na itong ginawa kundi ang harutin siya sa loob ng sasakyan. At sino ba naman siya para pahindian ang naglalambing na asawa. Kaya pagdating nila sa mansiyon, kaagad siyang naligo. Wala, eh. Excited rin siya. "Nagsabon pa naman ako nang maige para mabango tapos iyon pala, tutulugan lang ako." Napapangiti niyang nilapitan ang asawa. "Ang yabang mong magyaya tapos tutulugan mo lang pala ako. Paasa ka, ha." Pagbibiro niya, saka masuyong hinaplos-haplos ang mukha ng kaniyang asawa. "Bakit ba sobrang guwapo mo, ha? Wala na. In love na in love na naman ako sa 'yo." Iyong asawa na niya ito, pero sa tuwing tinititigan niya ito, kinikilig pa rin siya. Ang guwapo naman kasi talaga nito. Kahit pagod, puyat at stress, hindi halata. Mahahalata lang na pagod talaga ito ngayon
"Wala akong magagawa para sa mama mo, Verlyn." Iyon lang at iniwan na niya ito. Pero hinabol siya ni Verlyn. Halos magnikluhod na ito sa kaniya. "Verlyn, tumayo ka. Huwag kang gumawa ng eksena rito--""Aya, please? Hindi ko hinihiling na tulungan mong makalaya ang kapatid ko...ang hinihiling ko lang, tulungan mo 'kong makita niya si mama bago man lang mawala. Please? Please, Aya. Please." "Tapos na kayong maging parte ng buhay ko. Matagal na. So kung anuman ang nangyayari sa inyong pamilya ngayon, labas na ako riyan." "Aya..." "Excuse me." Binaklas niya ang mga kamay nitong nakahawak sa kaniya, saka ito iniwang nakaluhod sa hallway ng hospital. Malayo na siya nang lingunin niya si Verlyn. Nakatayo na ito, pero nakatingin pa rin sa kaniya. Napailing siya, saka muling naglakad patungo sa kinaroroonan ng elevator. Oo, matagal na siyang nagpatawad sa mga taong sinubukan siyang sirain, pero hindi ibig sabihin niyon ay nakalimot na siya. Napabuntong-hininga siya, saka napangiti. Hin
"MA, KAYO PO MUNA ULIT ANG BAHALA SA KAMBAL, HA?" Bilin ni Aya sa inang si Julie dahil pupuntahan niya sa hospital ang asawa. Dadalhan niya ito ng niluto niyang pagkain. Limang araw na itong nagbabantay sa ama sa hospital. Hindi niya ito mapauwi para magpahinga at matulog dahil ayaw iwan ang ama roon. Kaya halos araw-araw, pumupunta siya sa hospital para dalhan ito ng pagkain at pamalit na damit. At siyempre, para na rin tingnan ang lagay ng kaniyang byenan. At nagagawa niya iyon dahil sa suporta ng kaniyang ina na hindi na rin umalis ng mansiyon para bantayan ang kambal nila ni Nick. "Thank you so much, Ma, ha?" Muli niyang pasalamat sa ina, saka naglalambing na yumakap. "Oo naman, Anak. Huwag mo na munang isipin ang kambal, kami muna ng papa mo ang bahala sa kanila. Samahan mo na lang muna ang asawa at byenan mo roon," ani Julie sa anak. "Salamat po, Ma. Sobra. Sobrang laking bagay po sa akin na nandito kayo para sa kambal. Hindi ako nag-aalala na iwan sila rito. Kaya salamat p
"Hindi ka na galit sa kaniya?" Tumango siya. "Talaga? Pinatawad mo na ang daddy mo?" Paniniyak nito. "Yes, Mom. Mahal ko pa rin pala siya at hindi ko siya kayang makitang ganito ang sitwasyon." "Oh, anak. Thank you." Yumakap sa kaniya ang ina, niyakap niya ito pabalik. Mas mahigpit. Matagal. "Matutuwa ang daddy mo kapag nalaman niyang hindi ka na galit sa kaniya, anak." Sabi ng kaniyang ina pagkatapos nilang bumitaw sa isa't isa. "Gagawin natin ang lahat para gumaling pa si Dad, Mom. Hindi namin kayo pababayaan." "Salamat, anak. Salamat sa inyong mag-isa." Hinawakan nito ang kamay nilang dalawa ni Aya. "Salamat dahil nandito kayo. Gustong-gusto kong ipaalam sa inyo ang tungkol sa lagay niya noong isinugod ko siya ng hospital, pero ayaw niya. Pasensya na kayo na hindi ko sinabi." "It's okay, Mom." "Alam na rin ba ng kapatid mo?" "Yes, Mom. On the way na rin si Kuya Nicholai papunta rito." Muling tumulo ang luha ng mommy niya. "Matutuwa ang daddy n'yo kapag na
SOBRANG BIGAT ng pakiramdam ni Nick nang mga sandaling iyon. At kung wala sa tabi niya ngayon ang asawa, hindi niya alam ang gagawin. Akala niya, hindi na lalambot ang puso niya para sa sariling ama, nagkamali siya. Dahil nang makita niya ang ama kanina na tila wala ng buhay, sobrang sakit ng naramdaman niya. Ni hindi niya kinayang makita nang matagal ang ama. Lumabas agad siya. Hindi niya kaya. Hindi niya kayang makita nang matagal na nasa gano'n itong sitwasyon. Masakit. Nagsisisi siya na umabot pa sa ganito bago niya na-realize na sa kabila ng mga nangyari, mahal pa rin niya ang ama. Aya's right, hindi perpekto ang kaniyang ama, pero minahal siya nito. Masakit. Sobrang nasasaktan siya ngayon para sa ama. Lalo na ng marinig ang kuwento ng doktor nito na mag-isang nagpapa-check up at nagpapa-chemo ang daddy niya. Napaiyak siya. Dahil hindi lingid sa kaniya na noong nasa hospital siya, palaging naroon ang daddy niya. Hindi lumalapit dahil alam na galit siya, pero ito hindi um
ALAS SAIS ng umaga, sakay na silang mag-anak sa helicopter patungo sa Isabela. Habang nasa himpapawid, doon muling nakaramdam ng kakaibang kaba si Aya. Hindi niya maintindihan kung bakit. Sinulyapan niya ang asawa, seryoso ito sa pagpapalipad ng helicopter. Pagkalipas ng ilang sandali, nasa malawak na bakuran na sila ng mansiyon ng mga magulang ni Nick. Katahimikan ang unang sumalubong sa kanila pagpasok ng mansiyon. Ang ganda ng mansiyon, pero ramdam niya ang lungkot niyon. Pagkatapos niyang igala ang tingin sa mansiyon, tiningnan niya si Nick. Nasa mga mata nito ang lungkot at pangungulila. Alam niyang bago siya dumating sa buhay nito, ang mansiyong ito ang naging tahanan niya. Na sa tuwing pagod na ito sa magulong mundo ng Maynila, dito ito umuuwi para magpahinga. Para huminga. Tahanang ilang taon nitong hindi inuwian dahil sa away nilang mag-ama dahil sa kaniya. Dahil sa pagdating niya sa buhay ni Nick. Malungkot siyang napangiti dahil alam niyang na-miss nito ang tahan
Amaya Shannel "Sa tingin mo ba papayag ako na gano'n-gano'n na lang? Pagkatapos mo 'kong tikman, mawawala ka na lang nang parang bula? Paano naman ako?" Hinampo niyang litanya, pero halatang nang-aasar lang. Inirapan ko siya at alistong itinukod ang mga kamay sa dibdib niya nang tangkaing idii
Amaya Shannel "She's here? As in here?" Tila hindi makapaniwalang tanong ni Rachel. "Yes, she's here." Hindi ko na maipaliwanag ang kab0g ng dibdib ko. Lalo na nang sabay-sabay na lumingon sa akin ang mga kasama ko. Lahat sila, nagtatanong ang mga matang nakatingin sa akin. Shít! Umiling
NICHOLAS "N-NICK, PLEASE," she begged. Tumigil ako sa pag-angkin sa kaniya dahil nakikita kong nahihirapan siya sa akin. I'm huge. At dahil ako ang una, alam kong masakit sa part niya. "W-Why did you stop?" "You're hurting." Emosyonal ko siyang tiningnan sa kaniyang mga mata. "Yeah, i
NICHOLAS Dumiretso ako sa mini bar ng kapatid kong si Nicholai. Dito ko dinala si Aya sa bahay niya. Nasa ibang bansa sila ng ina ni Rome kaya walang tao dito kundi ang dalawa nilang kasambahay na hindi na nakita ni Aya dahil sa kuwarto ko na siya idiniretso pagdating. Kumuha ako ng maiinom. An







