LOGINAng maganda at masayang relasyon ni Amaya at ng nobyo niyang si Anthony ay biglang nagbago dahil sa isang gabing muntik na siyang mapagsamantalahan ng mga lalaking tila sabog sa ipinagbabawal na gamot. Lumaban si Anthony para sa kaniya, ngunit sa kasamaang-palad, may isang nagbuwis ng buhay ng gabing 'yon. Nakapatay si Anthony at nakulong dahil sa pagtatanggol sa kaniya. At bilang pagbawi, ginawa ni Amaya ang lahat para makausap si Atty. Nicholas San Martin --ang magaling na abogadong kilala niya. Hiningi niya ang tulong nito para matulungan ang nobyo na makalaya. Ngunit nabigo si Amaya, tinanggihan siya ng lalaki at umalis pabalik ng Maynila. Walang balak sumuko si Amaya para sa nobyo. Ngunit hanggang saan niya kayang lumaban para dito kung ang hinihinging kapalit ni Atty. Nicholas para sa pagtulong na gagawin ay siya mismo. "You want me to help him? Then, marry me." Nawindang si Amaya sa alok ng boss niya. Pagpapakasal dito kapalit ng tulong para sa kaniyang nobyo? Dalawa lang ang pagpipilian niya, magpapakasal kay Atty. Nicholas kapalit ng kalayaan ni Anthony o tatanggi siya kapalit ng habambuhay na pagkakabilanggo ni Anthony.
View MoreAMAYA'S POV
HINDI NA ako makahinga sa sobrang pag-iyak habang kausap ang nobyo kong si Anthony. Hindi ako makapaniwala na ang masayang date namin kagabi ay mauuwi sa isang bangungot at napakasakit na pangyayari. Habang papauwi na kami ay bigla kaming sinalubong at hinarangan ng mga lalaking tila sabog sa ipinagbabawal na gamot. Tinangka nila akong gawan ng masama, pero hindi ako pinabayaan ni Anthony. Iniligtas niya ako sa kamay ng mga lalaking 'yon. At sa pagliligtas niya sa akin, napatay ni Anthony ang isa sa kanila at 'yon ang dahilan kung bakit ngayon ay nakakulong siya. "Sshh! Please, don't cry." Pag-aalo niya sa akin. Ngunit sa halip na tumigil, mas lalo lang akong napaiyak dahil wala man lang mababakas na pagsisisi sa mga mata niya habang nakatingin sa akin. Tila ba balewala sa kaniya kung ngayon ay nakakulong siya. "I'm sorry. I'm sorry, Anthony. Sana hinayaan mo na lang ako--" "Sshh." Pinatahimik niya ako sa pamamagitan ng paglalagay ng hintuturo sa labi ko. "Huwag na huwag mo nang uuliting sabihin 'yan." Hindi 'yon pakiusap kundi isang utos. "Anthony..." "Hindi ko pinagsisisihang iniligtas kita sa mga hayup na 'yon. Mahal na mahal kita, Amaya, at hindi ako makapapayag na mapahamak ka lalo na kung kasama mo ako. Hindi ko pinagsisisihang nakapatay ako para sa 'yo." Mga salitang mas lalong nagpalakas ng iyak ko. Dahil na-realize ko kung gaano ako kamahal ng nobyo ko. Handa siyang pumatay at mamatay para sa akin. At napakasuwerte ko sa kaniya dahil doon. "Sshh, tahan na." Masuyong pinalis ni Anthony ang mga luha ko, saka sinapo ang mukha ko. Puno ng pagmamahal niya akong tiningnan sa aking mga mata. "Anthony..." "Mahal na mahal kita, Amaya. At palagi mong tatandaan na wala akong nararamdamang pagsisisi na nandito ako ngayon. Mas pagsisisihan ko kung hinayaan kitang mapahamak sa mga lalaking 'yon na wala man lang akong nagawa para iligtas ka." Napahikbi ako sa sinabi niya. "Huwag ka ng umiyak. Makakalabas din ako rito. Baka matagalan, pero makakalabas ako at kapag dumating ang araw na 'yon, magpapakasal na tayo. Okay?" Puno ng pag-asa niyang sabi. Hilam ng luha na tumango ako at mahigpit na yumakap sa kaniya. "Mahal na mahal kita, Amaya," sabi niya habang yakap-yakap ko siya. "Mahal din kita, Anthony. Mahal na mahal..." "Mag-iingat ka palagi habang wala ako sa tabi mo, ha?" Tumango ako at hindi na nakapagsalita pa. Yakap ko lang siya. At kagaya ko, umiiyak na rin siya dahil nabasa ang balikat ko. Ayoko pa sanang bumitaw sa kaniya, pero may lumapit na sa amin at sinabing tapos na ang oras ng dalaw. Na kailangan ko na raw umalis at bumalik na lamang bukas. Napilitan akong bumitaw kay Anthony. "Umuwi ka na, ha? Mag-iingat ka." Bilin ni Anthony at masuyo akong hinalikan sa noo. "Babalik ako bukas. Pangako, makakalabas ka rito. Ako mismo ang titistigo na wala kang kasalanan. Na iniligtas mo lang ako kaya mo siya napatay." Pangako ko. "Huwag mo 'kong mas'yadong alalahanin dito. Ang gusto ko, umuwi ka ng ligtas at magpahinga. Hindi ako makikipag-usap sa 'yo bukas kapag mugto pa rin ang mga mata mo, Amaya." Napalabi ako. "Sige na, lumabas ka na. Babalik na ako sa loob." Taboy niya. Wala akong nagawa kundi ang lumabas. Pero bago 'yon, minsan ko pang niyakap si Anthony at nangakong gagawa ako ng paraan para makalaya siya agad. PALABAS na ako ng presinto kung saan nakapiit si Anthony nang makasalubong ko ang kapatid niyang babae. Ang ate niya na simula nang maging kami ni Anthony ay ramdam ko na ang disgusto niya sa akin. "Ate Verly--" "Huwag mo akong ma-ate-ate, Amaya. Hindi kita gusto para sa kapatid ko." Nagulat ako. Dahil ito ang unang pagkakataon na diretsa niyang sinabi ang bagay na 'yon sa akin. Dati hanggang paramdam lamang siya, pero ngayon diretsahan na. "I'm sorry. Hindi ko gustong mangyari ang lahat ng ito, Ate. Alam mong mahal ko ang kapatid mo--" She cut me off. "Letsing pagmamahal mo 'yan. Dahil sa 'yo palagi na lang inaabot ng malas ang kapatid ko. Hindi mo pa ba nahahalata na ikaw ang malas sa buhay ni Anthony?" "Ate!" Nabigla ako. "Hindi totoo 'yan. "Hindi totoo? Kaya pala simula nang maging kayo, hindi na siya nawalan ng problema! At ikaw ang malas sa buhay niya. Kung hindi dahil sa 'yo, wala siya dito ngayon sa kulungan! Hindi sana inatake sa puso ang papa namin." Tahasang paninisi sa akin ng ate Verlyn ni Anthony. "I-Inatake sa puso si Tito Benson?" tukoy ko sa ama nila. "Oo! At kasalanan mong lahat 'to. Kung hindi mo isinama sa letsing date na 'yan ang kapatid ko, sana hindi siya nakapatay! Sana hindi siya nakulong! Sana hindi nalagay sa peligro ang buhay ng papa namin!" "Wala akong kasalana--" lagapak ng palad ni Ate Verlyn ang nagpatigil sa pagsasalita ko. Natigalgal ako. Hindi agad nakahuma dahil sa pamamanhid ng pisngi ko na dalawang beses niyang sinampal. Hindi pa siya nasiyahan, pinagmumura niya ako sa harap ng mga tao. At paulit-ulit na sinabing malas ako sa buhay ng kapatid niya. Wala akong nagawa kundi ang tanggapin ang pamamahiyang ginagawa niya dahil nang subukan kong ipagtanggol ang sarili ko, binantaan niya ako na hindi na makababalik dito para madalaw ang kapatid niya. Sa loob ng tatlong taong relasyon kay Anthony, ngayon ko lang nakitang ganito kagalit sa akin ang kapatid niya. At hindi lang pala ang kapatid niya dahil nang araw ding 'yon, pinuntahan ko sa hospital ang mga magulang niya. Ngunit kagaya ni Ate Verlyn, sampal at mura ang napala ko sa mama ni Anthony. "Tita Flor, I'm sorry--" "Hindi ko kailangan ang sorry mo, Amaya! Ang gusto ko, gumawa ka ng paraan para makalaya ang anak ko! Kung kinakailangang akuin mo ang nagawa niya, gawin mo!" Galit na galit niyang sabi sa akin. "Tutal, ikaw naman ang dahilan kung bakit siya nando'n, hindi ba? Gawan mo ng paraan na makalaya ang anak ko dahil kung hindi, hindi ka na makakalapit sa kaniya kahit kailan! Buwisit ka! Malas ka talaga sa buhay ng anak ko!" Umiiling-iling ako. Pinabulaanan ang mga paratang niya, pero pinagmumura ako ni Tita Flor. Hiyang-hiya ako sa mga taong nakakarinig ng mga pinagsasabi niya. Kung hindi pa dumating ang bunsong kapatid na lalaki ni Anthony ay hindi ako titigilan ng mama niya. "Ma, ano ba 'to? Bakit kayo nag-iiskandalo dito? Hospital ito at hindi palengke." Awat ni Frank sa sariling ina. At pagkuwa'y humingi ng paumanhin sa akin. "Bakit ka humihingi ng paumanhin sa babaeng 'yan?" Angil ni Tita Flor sa anak. "Ma, nakakahiya. Ang daming tao, oh. Nakakaiskandalo na kayo sa ibang pasyente dito--" "Wala akong pakialam, Frank! Gusto ko lang malaman ng babaeng 'yan na ayoko sa kaniya dahil malas siya sa buhay nating lahat! Lalo na sa buhay ng kuya Anthony mo." "Ma, girlfriend ni Kuya 'yang sinasaktan at ipinapahiya n'yo. Sa tingin n'yo ba, matutuwa siya kapag nalaman niya ito?" ani ni Frank. Matalim akong tiningnan ni Tita Flor bago nagbanta. "Subukan mong magsumbong sa anak ko, Amaya." "Ma, tama na nga 'yan." Awat ni Frank sa ina at inilayo na ito sa akin. Habang sinusundan sila ng tingin, nakaramdam ako ng panliliit dahil wala man lang akong nakuhang simpatya mula sa pamilya ni Anthony. Sa halip ay puro galit at paninisi sa nangyari. Sa tatlong taon namin ni Anthony, hindi lingid sa akin na hindi ako gusto ng pamilya niya para sa kan'ya. Ibang babae ang gusto nila para kay Anthony, pero dahil mahal namin ang isa't isa, hindi nila kami napigilan. Akala ko nga, unti-unti na nila akong natatanggap dahil kahit papa'no maayos na ang pakikitungo nila sa akin kapag nasa bahay nila ako. Pero ngayon ko napatunayan na hindi pa rin pala. Na hanggang ngayon, ayaw pa rin nila sa akin para kay Anthony. At dalawa lang naman ang alam kong dahilan kung bakit ayaw nila sa akin. Una, dahil may ibang babae silang gusto para kay Anthony. At pangalawa, dahil alam nilang hindi ako tunay na anak ng mga kinilala kong magulang. Mapait akong napangiti. Kasalanan ko bang naging ampon ako? Kasalanan ko bang iniwan ako ng tunay kong pamilya at ipinaampon ako? Mabigat ang loob na nilisan ko ang hospital. Nasasaktan ako. Hindi naman ako bato para hindi maapektuhan sa mga sinasabi nila sa akin. "Ate Amaya!" Napahinto ako sa pagtawid sa kabilang side ng kalsada nang may tumawag sa akin. Paglingon ko, nakita ko si Frank, patakbong lumapit sa akin. "Frank." "Ate, mabuti naabutan kita." Panimula niya, habol pa ang paghinga dahil sa pagtakbo. "Bakit?" Malungkot kong tanong. "Gusto kong humingi ng pasensya sa ginawa ni Mama sa 'yo kanina. Hindi niya dapat ginawa sa 'yo 'yon. Kapag nalaman 'yon ni Kuya Anthony, magagalit siya kay Mama." Bakas ang pag-aalala sa boses niya. "Hindi niya malalaman, Frank. Hindi na 'yon kailangang malaman ng kapatid mo. Hindi naman makakatulong 'yon." "Salamat, Ate Amaya. Pasensya ka na talaga sa ginawa at nasabi ni Mama, ha? Sana 'wag mo nang mas'yadong damdamin 'yon." "Oo naman." Maikling sagot ko. Hinawakan ni Frank ang kamay ko at sinabing kakampi niya ako. Na hindi siya galit sa akin. Na hindi niya ako sinisisi sa nangyari sa kapatid niya. Napaiyak ako. Dahil sa wakas, nakuha ko 'yong simpatyang kailangan ko para kahit papa'no ay lumawag ang dibdib ko. Niyakap ako ni Frank. "Malalampasan n'yo 'to ni Kuya, Ate. Kayo pa ba? Mahal na mahal n'yo ang isa't isa." Napangiti ako. "Salamat, Frank. Salamat sa simpatya. At pangako, gagawin ko ang lahat para makalaya ang kapatid mo." Naghiwalay kami ni Frank nang araw na 'yon na dala-dala ko ang pangako kong gagawin ang lahat para kay Anthony. Oo, lahat. PAG-UWI KO SA bahay, eksaktong naroon ang kaibigan kong si Pat. Sa kaniya ko inilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko dahil sa pamilya ni Anthony. "Mga tanga sila. Bakit ikaw ang sisisihin nila sa nangyari? Ginusto mo ba 'yon?!" Galit na sabi niya. "Sobrang makikitid ang mga utak! Naturingang may mga pinag-aralan, pero mga ungas! Hmmp! Nanggigigil ako sa mga 'yan." Gigil niyang dagdag. "Kailangang malaman ni Anthony ang ginawa sa 'yo ng ate at nanay niya! Sino sila para pagbuhatan ka ng kamay?! Mga animal!" Sa kabila ng sakit, natawa ako. Para kasing gusto nang pumatay ng kaibigan ko. "Kuhang-kuha talaga ng mag-inang 'yan ang gigil ko. Matagal na nilang ayaw sa 'yo, pero makulit ka. Isinisiksik mo pa rin ang sarili mo sa pamilyang iyon." "Mahal ko si Anthony, Pat." "Alam ko. Pero ang hirap pakisamahan ng pamilya niya. Paano na lang kapag nagkatuluyan kayo?" "Ayoko na munang intindihin 'yan. Ang kailangan ko, magaling na abogado para kay Anthony." "Kung magaling na abogado din lang naman ang kailangan mo, isang tao lang ang kilala ko na puwede mong lapitan." Mula sa pagkakahiga, napabangon ako bigla. "Talaga? May kilala ka?" "Kilala mo rin siya." Kumunot ang noo ko. "Kilala ko?" Tumango siya. "Sino?" "Si Atty. Nicholas." Puno ng pagmamalaki na sagot ni Pat. "Atty. Nicholas?" "Ay, gaga! Nakalimutan mo na ba? 'Yong anak ni Donya Martina San Martin! 'Yong guwapong lalaki na sinilipan natin dati doon sa batis." "Sinilipan sa batis?" Hindi ko pa rin ma-recall sa isip ko. "Oo, gaga. Natatandaan mo ba 'yong umakyat tayo sa puno ng santol? Tapos habang nasa taas tayo, biglang may tumalon sa batis. Iyong biglang naghubo, at kitang-kita natin ang puwet kaya ka nahulog, 'di ba?" Sa pag-alala ni Pat sa eksenang 'yon. Unti-unting luminaw sa akin ang nakaraan. Natatandaan ko na. Dahil 'yon ang unang pagkakataon na nakakita ako ng hotdog ng lalaki. I was fifteen back then. "Abogado na siya?" Wala sa loob na tanong ko. "Yep. Hindi lang basta abogado, magaling na abogado, Amaya. Mag-research ka tungkol sa kaniya at masa-shock ka sa mga achievement niya. Malalaking kaso ang mga naipanalo niya. Palibhasa focus ka kay Anthony, hindi ka na aware sa mga ganap dito sa lugar natin." "Kailangan ko siyang makita, Pat. Tulungan mo ako." Hiling ko. "Sure, besty. Balita ko kay Nanay, may gaganaping selebrasyon sa mansyon ng mga San Martin. At uuwi ang mga anak ni Donya Martina. Mga anak, meaning ando'n si Atty." Sa sinabing 'yon ni Pat, agad akong nagdesisyon. "Pupunta ako do'n. Kailangan ko ang tulong niya."Napapatingala na lamang siya sa ginagawa ni Aya sa kaniya. Hanggang sa maramdaman niyang nanigas ito sa ibabaw niya at bumagsak sa katawan niya. Tanda na nauna na itong makarating sa dulo. Habol ang paghinga nitong sumiksik sa leeg niya habang ang mga katawan nila, magkahugpong pa rin. "What next position do you want?" Bulong niya rito. "Up to you, hubby. Kung saan ka mababaliw, I'll go for it." "Really?" "Yup." "Sabi mo iyan, ha?" "Oo nga." Hinalikan niya ito sa labi. "Can you turn around?" He gently asked. Ngumiti ito at tumango. Tumalikod ito sa kaniya at lumuhod sa kama. Hinalikan niya ito sa batok at likod bago lumuhod rin sa likuran nito. "Hold tight, wife." Utos niya. Masunurin itong humawak nang mahigpit sa headboard ng kama. Pinaghahalikan niya muna ang batok at tainga nito, saka pinasok ang pagkababa3 nito mula sa likuran. Napasinghap ito. Dahil sa posisyon nila, alam niyang sumagad ang pagkalalakl niya sa loob nito. "Are you hurt?"
Nilaro niya ng dila ang pusod nito. Matagal. Hindi pa rin dumidilat ang kaniyang asawa kahit obvious na obvious na gising dahil napapaiktad ito sa ginagawa niya. "Still pretending, huh?" Tinigilan niya ang pusod nito, at dumausdos pababa ang labi niya. Pababa nang pababa hanggang sa marating niya ang singit nito. Sinigurado niyang hindi na ito makapagpapanggap pa. Pero matigas ito. Wala pa ring ungol na lumalabas sa bibig nito. "Ayaw mo pa rin, huh?" Hindi siya susuko hangga't hindi naririnig ang masarap nitong ungol. Pagkatapos niya sa singit nito, dumiretso siya sa totoong pakay niya. Sa pagkababa3 nitong mamula-mula. Wala pa siyang ginagawa roon, but she's already wet. "May tulog bang wet?" Tudyo niya rito habang mariin pa rin nakapikit. She's wet and he like it very much. Lalo tuloy siyang nasabik na kainin ito. At iyon ang ginawa niya. Kinain niya ang pagkababa3 ng kaniyang asawa. Nanigas ito. Kasunod ang pag-iktad. Hindi pa rin umuungol kahit nang simul
NAPAILING na lamang si Nick nang marinig ang pagtawa ng kaniyang asawa. Alam niyang narinig nito na kinausap niya ang alaga niya dahil sa ginawa nitong pambibitin. Na puwede namang hindi siya mabitin kung pinayagan siya nitong makaraos din bago puntahan ang kanilang mga anak. Kung pinagbigyan muna siya nito, malamang nakaraos na din sana siya. At alam niyang sinadya nito iyon para makaganti. Akala yata nito ay tinanggihan talaga niya ito kanina. Hindi siya tatanggi, nagpapakipot lang siya dahil gustong-gusto niyang magpasuyo rito kanina. Gustong-gusto niya ang ginagawa nitong paglalambing sa kaniya dahil aaminin niya na totoong nagselos siya sa kutong lupa nitong ex nang malaman niya na binisita nito iyon nang hindi sinasabi sa kaniya. Nagseselos siya. Totoo iyon. Totoong natakot siya. Totoo ang sinabi niya sa asawa kanina na nagselos siya hindi dahil wala siyang tiwala rito kundi dahil nakita niya kung paano minahal ni Aya ang kutong lupa nitong ex. Kung paano nito iniyakan a
"What?" ani niya nang makabawi. "I got scared when I found out you went to see him. I get jealous because I know you were his." "Nick, ano bang pinagsasasabi mo? Hindi pa ba malinaw sa 'yo na ikaw na ang mahal ko? Si Anthony, para na lang siyang isang pocketbook na tapos na ang kuwento. May wakas na." "I know. I'm just--" "I love you. Akala ko nang magpakasal tayo ulit, malinaw na sa 'yo iyan." Marahas itong bumuntong hininga. "I'm sorry." "I think kailangan nating pag-usapan ito." "Wife..." "Dahil ayoko nang marinig muli na iniisip mong kaya kitang talikuran para kay Anthony." "Hindi sa gano'n--" "Iyon ang dating ng mga sinabi mo ngayon, Nick. Ayoko niyon. Ayoko nang gano'n. Kasi kahit kailan, hinding-hindi kita tatalikuran. Hinding-hindi kita iiwan para sa ibang lalaki. Mahal na mahal kita, Nick. At gusto kong malinaw sa 'yo 'yan." "Mahal kita, Nick. Ikaw lang. Oo, nauna kong minahal si Anthony. Pero tapos na iyon. Matagal na. Ikaw na ang mahal ko. At
AMAYA'S POV "AYAN! GANIYAN TALAGA kapag mga palengkera. Deserve mapahiya." "Buti nga." "Iskandalosa kasi." Ilan lang sa narinig ko mula sa mga taong nakikiusyuso sa pag-iiskandalo ni Ate Verlyn. "Hindi pa tayo tapos, Amaya." Banta niya habang matalim ang tinging ipinupukol sa akin. "
AMAYA'S POV "OKAY LANG BA SA 'YO?" tanong ni Tita Paula nang makiusap si Ate Mica na bukas nang umaga na kami umalis dahil kailangan pa raw nila ng tulong dito sa mansyon. "Sige po." Mabilis na sang-ayon ko dahil plano kong muling kausapin si Atty. Nick kapag nabigyan ako ng pagkakataon. "S
AMAYA'S POV "ANG LIKOT MO." Hindi na nakatiis na reklamo ni Pat sa tabi ko nang hindi pa rin ako tumigil sa kapapabaling-baling sa higaan. May dalawang oras na yata kaming nakahiga, pero hindi pa rin ako dalawin ng antok. Hindi ako makatulog. Iniisip ko si Anthony. Alam kong hindi siya kum
AMAYA'S POV "BESTY, pagkakataon mo na 'to para masabi sa kan'ya ang kailangan mo." Bulong ni Pat sa akin habang nagtitimpla ng hot choco ng lalaking 'yon. Nang hindi ako sumagot, dinunggol ni Pat ang braso ko. "Hoy, kinakausap kita." "Narinig ko.""E, ba't hindi ka sumasagot?" "Iniisi












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore