“Kung mahal mo pa ako, bakit ka magpapakasal kay Damon?”Hindi pa man nakakabawi si Felicity sa kahihiyan, nakatayo na si Prince sa tabi ng mesa nila. Nakahawak ang isang kamay nito sa sandalan ng sofa habang nakatitig sa engagement ring niya.“Hindi mo naintindihan ang sinabi ko,” mariing sagot niya.“Sinabi mong ako ang una at tanging lalaking minahal mo.”“Past tense iyon.”“Sinabi mo ring matagal nang may laman ang puso mo.”Napapikit si Felicity.“Hindi mo kailangang itago sa akin ang nararamdaman mo.”“Wala akong itinatago!”“Kailangan lang siguro ninyong mag-usap,” singit ni Stefie. Kalmado nitong kinuha ang tasa ng kape. “Baka lover’s quarrel na maaayos pa sa pag-uusap.”Napalingon si Felicity rito.“Kung mahal mo pa si Prince, mas mabuting linawin ninyo iyon bago ka ikasal. Kagaya ko, maaari rin siyang maghintay.”“Then talk to me,” giit ni Prince. “Let’s have lunch.”“No.”“Kahit isang oras lang. Kailangan nating linawin ang nakaraan.”“Malinaw na sa akin ang nakaraan. Iniwan
Read more