“Boxing,” paglilinaw ni Damon. “Turuan kita. Doon natin ilabas ang inis natin sa isa’t isa.”Napahalakhak si Felicity. “Baka natatakot ka lang matalo sa argument kaya gusto mong gamitan ng kamao.”“Sumama ka sa gym ng kaibigan ko. Tingnan natin kung hanggang salita lang ang tapang mo.”“Binabalaan kita, mabigat ang kamay ko.”“Kung tatamaan mo ako.”Nauna itong maglakad patungo sa parking area. Mabilis siyang sumunod, lalo lamang nainis sa kumpiyansa nito.Naghihintay malapit sa mga sasakyan sina Prince at Stefie. Napatingin ang dalawa nang sabay silang lumapit.“May sasabihin lang ako tungkol sa Annual Billionaires’ Ball,” bungad ni Damon. “Kilala na kaming engaged couple ni Felicity. Hindi kami maaaring dumating na iba ang kasama.”“Si Felicity ang inimbitahan ko,” tutol ni Prince.“At pumayag akong samahan si Damon,” singit ni Stefie.“Then the four of us can attend,” malamig na sabi ni Damon. “Pero si Felicity ang opisyal kong kasama.”Humakbang si Prince palapit. “Hindi ikaw ang
Read more