“Hindi,” kalmadong sagot ni Damon.Kahit madilim, nakita niya ang pag-angat ng sulok ng mga labi nito.“Kung hindi ka gago, tigilan mo ang kalokohang iyan. Hindi kasama sa kontrata natin ang pakikipag-sex.”“Hindi rin naman ipinagbabawal.”“Hindi porke’t nasa honeymoon villa tayo at iisang kama ang ginagamit natin, gagawin na nating totoo ang kasal na ito.”Inayos niya ang kumot sa kanyang dibdib, kahit wala namang nakalantad sa suot niyang oversized na sando. Hindi siya uurong. Hindi niya hahayaang makita nitong nabalisa siya sa alok nito.Iniangat ni Damon ang ulo mula sa unan. “Para kang natatakot.”“Hindi ako natatakot. Naiinis ako.”Umangat ito, nakaalalay ang isang siko, at humarap sa kanya. Sa pagitan nila ay naroon pa rin ang hanay ng mga unan na inilagay niya bilang harang. Gayunman, tila wala iyong silbi nang tumama sa kanya ang matalim na titig nito.“Don’t tell me virgin ka pa?”Parang may apoy na kumalat mula sa leeg ni Felicity hanggang sa magkabilang pisngi.“Excuse me?”
Read more