“Gustong-gusto mo talaga?” tanong ni Felicity.Naramdaman ni Damon ang mga kamay nitong nakahawak pa rin sa kanyang mga balikat. Magkalapit ang mukha nila, at nang bumaba ang tingin nito sa kanyang mga labi, inakala niyang nagtagumpay na rin siya.Akmang hahalikan niya ito nang itulak siya ni Felicity sa dibdib.“Tigilan mo na ako dahil hindi ako papayag,” sabi nito habang lumalayo.Bumalik ito sa sofa, kinuha ang bowl ng popcorn, at ipinagpatuloy ang panonood.Nanatiling nakatayo si Damon sa harap ng television.“Hindi pa tapos ang araw,” sabi niya. “Hindi mo pa nakikita ang pinakaepektibo kong paraan ng pang-aakit.”“Umalis ka nga diyan. Nakaharang ka sa palabas.”Sumilip siya sa screen. Nandoon na naman ang Korean actor na halos hindi gumagalaw ang mukha, pero kinikilig ang mga babae.“Mas gwapo ako riyan.”“Tumingin ka nga sa salamin.”Itinali ni Damon ang bathrobe at naglakad palayo na kunwari ay hindi nasaling ang pride. Kailangan niyang magmadali. Nauubos na ang araw nila sa res
Read more