“Maraming salamat, Mr. Villanueva,” sabi ng principal. “Malaking bagay ito sa mga bata.”“Kailangan muna nating ipa-assess ang lupa at mga nasirang classroom bago makagawa ng final budget at construction schedule,” dagdag ng kapitan.“Tama,” sagot ni Damon. “Ayokong minamadali ang plano kung kaligtasan ng mga bata ang nakataya.”Tahimik na nakaupo si Felicity sa tabi nito. Gusto na niyang sabihing iyon ang hinihintay niyang kondisyon, ngunit pinigilan niya ang sarili.Pangako pa lamang iyon. Hindi pa nasisimulan ang pagpapatayo ng e-classroom. Gayunman, hindi niya maitago ang pananabik. Kusa itong nagtanong, gumawa ng plano, at nag-alok ng tulong nang hindi niya hinihingan.“Walang signal dito,” sabi ng social worker.“Napansin ko nga.” Isinara ni Damon ang school plan sa cellphone. “Kapag nakabalik kami sa outpost, kokontakin ko ang engineer at suppliers. Tingnan natin kung ano ang pinakamagandang gawin.”“Sa ngayon, sa maliit na covered court muna magkaklase ang mga bata,” sabi ng pr
Read more