“This is about my life!” sabi ni Sebastian sa ama na may kasamang angil, tumayo mula sa upuan. “Kung gusto ninyong ipilit ang kasunduan kay Vicky, gawin ninyo. Bakit hindi ninyo ipakasal si Noah?”Nagtagis ang bagang ni Don Gilbert pero hindi na ito sumagot.“Dad, I’m sorry. I’m busy,” aniyang gusto nang putulin ang usapan.“Sige anak, huwag mo sanang masamain ang pagbibigay ko sa’yo ng payo,” anitong alam niyang nagtitimpi sa kanya.Bumungad sa opisina niya ang isang pamilyar na tinig.“Sebastian!” Masiglang bati ni Vicky. Kasama nito ang amang si Don Juan, isa sa pinakamalaking investor at matagal nang business partner ng Tuazon Group.“Don Juan, kumusta po?” bati ni Sebastian, nagbigay-galang dahil malaki ang utang na loob niya sa matanda. Ito ang tumayo niyang ama sa larangan ng negosyo.“Sebastian, my boy!” malakas na tawa ni Don Juan. “Perfect timing. Nandito kami para ayain kang mag-golf. Dala ko ang bagong clubs ko, imported pa mula Japan. Sabi ko sa ama mo, magandang pagkakat
Last Updated : 2025-09-15 Read more