“Mukhang madalas kayong magkita nitong mga nakaraang araw,” ani Sebastian, mababa ang tinig, ngunit ramdam niya ang tensyon sa bawat salita.“Flowers sa umaga, lunch break kahapon, tawag ngayon…”“Boss, kaibigan ko siya,” depensa niya.“Kaibigan?” Sandaling napangisi ang lalaki, ngunit malamig ang ngiti. “I don’t think he sees you as just a friend, Jenny. Hindi ka pag-aaksayahan ng oras ng lalaki kung hindi ka niya gusto.”“Pero huwag mong kalimutan, Jenny… may kasunduan tayo. Hindi ko gusto na may ibang lalaking sumisingit.”Parang nabura ang dugo sa mukha niya. Gusto niyang sumagot, pero hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Natapos ang tawag ni Andrei na hindi na niya sinagot.Tahimik pa rin silang dalawa. Hindi makatingin siya kay Sebastian, pinipilit niyang ayusin ang mabilis na pagtibok ng puso.Muli na namang nag-ring ang cellphone niya. Andrei is calling.Huminga siya nang malalim. Baka may mahalaga lang itong sasabihin.Sinagot niya ang tawag, kahit ramdam niyang lalong nani
Last Updated : 2025-09-14 Read more