“Jen, be honest, I want to know kung pareho tayo ng nararamdaman,” sabi ni Sebastian.“Seb, hindi na mahalaga kung ano ang nararamdaman ko. Hindi tayo bagay. Langit ka, lupa ako. Hindi tayo para sa isa’t isa.”“Uulitin ko ang tanong, do you like me? Be honest.”“Sebastian… gusto din kita,” mahina at nag-aalanganing sabi niya. Pinili niyang maging tapat sa damdamin.Napangiti si Sebastian, kita ang pagluwag ng dibdib nito na para bang nabunutan ng tinik.“Salamat. ‘Yan lang ang gusto kong marinig. Hindi mo na kailangang mag-alala, Jenny. Hindi kita pababayaan kahit anong mangyari,” hinawakan nito ang kamay niya.Napatitig siya sa kamay nilang magkahawak, naramdaman niya ang init mula dito. Ngunit kasabay nito, naramdaman din niya ang malamig na takot na gumagapang sa kanyang dibdib.Niyakap siya ni Sebastian ng mahigpit. Tahimik lang siyang nakasandal sa dibdib nito, pinakikinggan ang tibok ng puso ng boss, sabay sa mabilis na pag-ikot ng kanyang isip sa nangyari sa kanya noong nakaraan
Last Updated : 2025-09-19 Read more