Humakbang pabalik si Maya sa loob ng mainit na selda.“Hindi ako pipirma,” matigas niyang sabi. “Kaya kong ilabas ang sarili ko dito.”Tumalikod siya, ngunit bago pa siya makalayo, biglang hinila ni Camille ang buhok niya.“Aba’t ginagalit mo ba talaga akong babae ka?!”Napahiyaw si Maya. “Bitawan mo ‘ko!”Nagkabuhol ang buhok nila, nagkagulo, nagsabunutan silang dalawa. Hinawakan ng dalawang pulis ang magkabilang braso ni Camille at Maya para paghiwalayin.“Ma’am, tama na!” sigaw ng isa.Hingal na hingal si Maya, habang si Camille ay ngumiti ng malamig. “Ayaw mong pumirma? Fine. Pero tandaan mo ‘to, Maya, may paraan akong mawala ang mga taong sagabal sa’kin.”Nanginginig ang labi ni Maya. “Ipinagmamayabang mong may pera ka, Camille, pero tandaan mo, may Diyos na nakakakita ng mga kawalanghiyaan mo!”Ngumisi si Camille. “Oo. Pero ang Diyos, matagal kumilos. Ako, mabilis.”Bago ito tuluyang lumabas ng selda, huminto sa may pinto. “Bibigyan kita ng isang linggo para mag-isip. Kapag hind
Last Updated : 2025-11-06 Read more