Nakakapagtaka lang,” ani Maya, pilit ang himig, ngunit kumakabog ang dibdib, “na ang relo mo ay eksaktong--” tumigil siya bago magpatuloy-- “kapareho ng relo ng CEO.”Nanigas ang panga ni Lucas.Tumunog ang doorbell. Mabilis na lumabas si Lucas.“Maya, andito si Sir Daryl.”“Ms. Marasigan?” si Daryl, sumilip sa pinto ng lab, may hawak na tray ng bagong perfume samples at makapal na envelope. “May files na kailangan na bukas ng umaga.”Parang nabasag ang bula ng tensyon. Lumabas is Maya. “Sir Daryl! Pasok po.” Agad siyang Naghanda ng meryenda. Ininit sa oven ang pasta at cassava cake.“Kain po muna kayo.”“Salamat.” Umupo si Daryl, pinirmahan ni Maya ang dalawang form, in-annotate ang blend codes. Tahimik si Lucas, nakasandal sa estante.“Oh, by the way,” ani Daryl, kaswal ang tono, “Lucas, nahanapan mo na ba ng buyer ‘yung relo ng CEO?” Pag-angat nito ng tingin, pasimpleng sinipat ang pulso nito.Nagkibit-balikat si Lucas, nagpakawala ng maliit na ngiti. “Hindi pa. Heto nga at suot ko.
Terakhir Diperbarui : 2025-11-01 Baca selengkapnya