Nasa unahan si Maya at nasa likod si Mang Dennis na may buhat basket. Umihip ang hangin, dahil nabasa ng ulan ang bigote sa kanyang mukha, dumausdos ito pababa. "Shit!"Napahinto siya at nabitawan ang basket na dala. Sabay lingon ni Maya sa kanya. Mabilis niyang itinakip ang kamay sa bibig, kunwaring umuubo. Tumalikod siya, nagmamadaling ikinabit muli ang bigote, inayos ang salamin, saka humarap muli, bahagyang nakayuko. Sana ay hindi siya nakita ni Maya.“Okay ka lang, Mang Dennis?” tanong ni Maya. Na nagulat siya ng banayad na haplusin ang kanyang likod.“Ayos lang,” baritonong pilit ang sagot niya, paos, may buhol ang bawat salita.Matagal siyang tinitigan ni Maya. Parang may hinahanap sa kurba ng ngiti, sa linya ng panga, sa paraan ng pagtindig.“May ipapagawa ako kung available ka mamayang hapon, Mang Dennis,” mahinahong wika niya. “Kailangan ko ng magbabantay sa gabi at taga-alaga ng mga halaman. Marami tayong bagong tanim. May dagdag din sa distillation room.”Mabilis ang tango
Last Updated : 2025-11-11 Read more