“Dad, anong ginagawa ninyo dito?” nagtatakang tanong ni Iris.“Hinahanap ka talaga namin ni Daryl, yayain ka namin para sa family dinner ng mga Tan.”Napatingin siya kay Daryl.“Don Apollo, mauuna na po ako. Goodnigh, hon,” ani Daryl. Muntik siyang matumba ng halikan siya sa pisngi ng binata. Aba, tumatapang ito.Tumalikod ito at siya naman ay hinila na ng ama.“Iris,” malamig ang tono ng ama, nakaupo sa kotse. “Ire-reassign ko si Daryl. Temporary lang. Hindi na siya dapat laging nasa tabi mo.”Nanigas ang balikat niya.“Reassign?” ulit niya. “Dad, hindi puwedeng basta --”“Puwede,” putol ni Don Apollo. “At gagawin ko.”Tahimik si Iris, pero sa loob niya, may kumukulong galit.“Kung aalisin mo siya sa kumpanya,” mariin niyang sabi, “ipinakita ninyo lang sa tao ang pagiging matapobre ninyo. Matalino at magaling si Daryl kaya baka idemanda pa niya kayo.”Hindi na siya nagsalita pa. Pinagmasdan ang mga ilaw sa labas ng sasakyan.***Kinabukasan, pagpasok niya ng opisima, nakita niya si D
Last Updated : 2025-12-20 Read more