“Iris, ikaw lang ang iniisip namin, ang kinabukasan mo. Papunta ka pa lang pabalik na kami kaya makinig ka sa amin,” ani Donya Ester.“Mom, Dad,” mahinahon niyang sabi, pero may diin ang bawat salita, “hayaan ninyo po akong mamili sa taong gusto kong makasama habangbuhay.”Nagkatinginan ang mag-asawa.“Nakita ninyo naman po ang nangyari kay Kuya Lucas,” dugtong niya, mas tumitibay ang boses. “Pinilit ninyo siyang magpakasal sa hindi niya mahal. At halos masira ang buong buhay niya. Buti na lang nagkita sila ulit ni Maya.”Napabuntong-hininga si Donya Ester. “Iris, sabi mo si Harvey pala ang matagal mo nang hinihintay. So bakit bigla kang nagdadalawang-isip ngayon?” malumanay pero may halong pagtataka. “Huwag mong sabihin dahil kay Daryl?”Salit siyang natigilan dahil hindi niya alam ang sagot.Umiling si Donya Ester. “Mabait at matalinong si Daryl, yes. Pero hindi kayo bagay. Sa mundong ginagalawan mo, dapat lead provider ang lalaki sa relasyon. Alam naman nating ikaw ang mas mayaman.
Last Updated : 2025-12-23 Read more