Humigop ng hangin si Daryl, saka tumango. “Bro, six months lang ito. Alam kong hindi ito ideal, pero ayokong makita si Iris na pilitin sa kasal na ayaw niya.”May kung anong lumambot sa mukha ni Lucas, pero hindi pa rin nawawala ang protective big brother mode.“Iris,” malumanay pero mabigat nitong sabi, “sigurado ka ba dito? Hindi ito biro. Lahat ng mata sa inyo matutuon. Board, media, lalo si Daddy. Kilala mo naman ‘yun. Hindi niya madaling matatanggap si Daryl bilang mapapangasawa mo.”Tumango si Iris, kahit ramdam niyang nanginginig ang kamay niya.“Oo, Kuya,” sagot niya. “Ayokong magpakasal sa lalaking hindi ko mahal. At kung ikaw ‘yung unang tututol sa plano ko… mas lalo akong walang kakampi. Kaya please lang kuya, suportahan mo kami. Kailangan ko din ang tulong mo.”Napapikit si Lucas, pinipigilan ang sariling emosyon.Lumipat ang tingin nito kay Daryl.“Daryl,” anito, may bigat ang boses na hindi niya narinig nang matagal na. “Simula bata tayo, kaibigan na kita. Alam kong mara
Last Updated : 2025-12-11 Read more