“I like you, Candice,” ani Brent.Parang tumigil ang hangin sa rooftop.Naramdaman ni Candice ang sariling tibok ng puso, mabilis, malakas, nakakainis. Lumapit si Brent, dahan-dahan.At sa mismong sandaling iyon, tila siya itinulos na kandila.Kaya nang bahagyang yumuko si Brent, mabilis niyang naitulak ito sa dibdib, hindi malakas, pero sapat para matigil.“Nanliligaw ka pa lang,” sabi niya, pilit steady ang boses kahit kumakabog ang dibdib niya, “manghahalik ka na? Ang bilis mo naman yata.”Natigilan ito. At pagkatapos, ngumiti.“Okay,” sabi nito, marahan, tinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko. “Sorry, my love.”“Stop calling me that,” singhal niya agad. Bigla niyang nakagat ang labi, napapa-English tuloy siya.“Noted,” sagot nito, pero halatang hindi talaga susunod. Saka nito hinila nang bahagya ang upuan niya. “Maupo ka na.”Nag-atubili siya, pero sa huli, naupo pa rin. Hindi dahil gusto niya, kundi dahil ayaw niyang gawing mas komplikado pa ang lahat. At isa pa’y napapagod
Ler mais