“Sir Brent,” sabi ni Candice pilit kalmado. “Next time na lang po. Busy lang talaga ngayon,” bawi niya.“Busy? How about order tayo ng food?”“Hindi po ako nagugutom,” sagot niya, sabay balik ng tingin sa laptop.Lumapit si Brent.“Sir,” tanong niya, hindi napigilang lumabas ang inis at pagtataka, “matanong ko lang po… why are you suddenly kind?”Humugot ito ng munting tawa. “I’m nice to everyone.” Tapos, bahagyang yumuko, inilapit ang mukha sa kanya, sobrang lapit na naamoy niya ang mabangong hininga nito. “At isa pa… I want to get to know you more.”Nanigas si Candice.Humugot siya ng hininga, naglakas-loob tumingala. “Get to know me… for what exactly, Sir?”“Basta, I’ll order food,” anitong tumalikod na at lumabas.Bumaling siya agad sa laptop. Kailangan niyang mag-focus. Kailangan niyang kumilos.Kasal. Anak.Kailangan niyang humanap ng lalaki.Huminga siya nang malalim, saka tinawagan si Hailey.“Hailey,” mahina niyang sabi, “I need your help. Listen, I need… options.”“Options?”
Baca selengkapnya