“Oh,” sabi ni Ivory, nakangiting hindi umaabot sa mata. “So… ikaw pala.”Nanlaki ang mata ni Candice, pero pinilit niyang magmukhang kalmado. Hindi siya puwedeng magpakita ng kahinaan sa babaeng ‘to, lalo na sa harap ni Brent.Ivory tilted her head, parang nag-e-enjoy sa tensyon. “Ikaw pala ang nililigawan ni Brent,” dagdag nito.“Nadidinig ko lang naman. May ilang friends ako sa Timeless.” Tumawa ito nang mahina. “But I think… tsismis lang. I’m Ivory.”Pinilit ni Candice ang ngiti. “Nice to meet you,” sabi niya, sabay abot ng kamay, out of politeness.Pero hindi tinanggap ni Ivory.Tiningnan lang nito ang kamay niya, then ang mukha niya, parang may sinusukat. Tumalim ang tingin niya. Sa lahat ng ayaw niya, mga taong bastos at mayabang.“Nice to meet you too,” sabi ni Ivory, pero hindi pa rin iniabot ang kamay. Sa halip, binalik nito ang tingin kay Brent na parang sila lang ang tao sa mundo.“Ivory,” sabi ni Brent. “Totoo ang nadidinig mo. Nililigawan ko si Candice.”Nanlaki ang mata
더 보기