Tahimik ang sala, pero ramdam ni Candice ang bigat ng tingin ng ama niya.“Ipapakilala mo ang boyfriend mo. Kailangan ay matino at may sinabi ang mapapangasawa mo,” mariing sabi ni Don Carlos.Huminga si Candice nang malalim, pinakalma ang mukha kahit kumukulo ang loob. Hindi niya puwedeng ipakita na natatakot siya. Sa bahay na ‘to, kapag nagpakita ka ng kahinaan, kakainin ka nila nang buhay.“Opo,” mahinahon niyang sagot. “Ipapakilala ko po… isa sa mga araw na ’to. Kapag hindi na siya busy.”Tumaas ang kilay ni Cassandra, hawak pa rin ang phone. Si Leah, kunwaring concerned, pero halatang nakikinig sa bawat detalye.“Businessman ang boyfriend ko,” dugtong ni Candice.Umangat ang kilay ni Don Carlos, parang may sumisingit na pagdududa. “Anak,” sabi nito, biglang lumambot ang boses, “walang namimilit sa’yo na mag-asawa ka agad kung hindi ka pa ready. Makakapaghintay ang mana. Andito naman kami.”“Tama ang daddy mo. Hindi namin papabayaan ang Golden Holdings. You’re still young dapat mag
Read more