“Kung sakaling… maganda na ang weather bukas, mag-picnic tayo,” sabi ni Candice.Bahagyang napalingon si Brent sa tabi niya.Tanging malamlam na ilaw mula sa bedside lamp ang nagbibigay liwanag.“Oo, sige. Ano ang gusto mong pagkain?”Napalingon siya sa kisame para umiwas sa bigat ng mga matang tila masyadong sanay nang suriin siya.“Kahit ano.”“Okay, akong bahala,” anitong nakangiti.Tuluyan siyang nakapagdesisyon.Hindi muna niya sasabihin kay Brent.Hindi pa ngayon.Hindi habang sariwa pa sa isip niya ang sinabi nitong hindi pa ito handa sa responsibilidad ng pagiging magulang.Hindi habang hindi pa niya alam kung ang pag-aalaga nito sa kanya ay pagmamahal na, o naglalaro pa din ito at ang lahat ay dahil lamang obligasyon nitong alagaan siya bilang asawa.Napapikit siya at dahan-dahang humiga.Sa likuran niya, naramdaman niyang gumalaw si Brent nang bahagya, saka ang marahang bigat ng braso nitong dumapo sa kanyang baywang.Parang simpleng paalala lang na naroon ito.Kinabukasan,
Read more