Hindi na binuksan ni Zion ang ilaw sa kusina. Tanging ilaw lang mula sa bintana ang tumama sa basong unti-unting napupuno ng alak.Samantala, maayos ang dinner nina Cassandra, Neil, at Seo-jun.Polite si Seo-jun. Hindi bastos. Hindi mapilit. May dala pa itong bulaklak at isang box ng chocolate para kay Cassandra na tinanggap niya dahil baka ma-offend ito.“For the successful meeting,” sabi nito.“Thank you,” maingat niyang sagot.Ngumiti si Seo-jun.Narinig niya si Neil na mahinang tumikhim.Tumingin siya rito.Matapos ang dinner, maayos na naibigay ni Seo-jun ang signed contract. Halos mapangiti si Cassandra sa tuwa nang hawakan niya ang folder.“Thank you, sir.”“You helped,” sabi ni Seo-jun. “So, thank you, too.”Nawala ang kaba niya. Napalitan ng saya. Dahil tiyak na matutuwa si Ms. Reyna.Paglabas nila ng restaurant, nakita niya sa di kalayuan ang ilaw ng sikat na amusement park sa kanilang lugar.Bigla siyang ngumiti. “Sir, do you want to go there?”Nagulat si Seo-jun. “Amusement
続きを読む