Início / Romance / Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO / Kabanata 805 Updated Civil Status

Compartilhar

Kabanata 805 Updated Civil Status

last update Data de publicação: 2026-05-18 12:40:47

Kinagabihan, lahat ay nasa kani-kaniyang villa na, si Neil ay mag-isang nakaupo sa mini bar ng resort. May hawak siyang baso, pero hindi halos nababawasan ang laman.

Hindi niya maalis sa isip ang sinabi ni Cassandra.

“Asawa ko si Zion.”

At hindi niya rin maalis sa isip ang hawak ni Zion sa kamay nito.

“Neil.”

Napalingon siya.

Si Fiona.

Umupo ito sa tabi niya nang hindi hinihintay ang pahintulot niya.

“Wrong table,” malamig niyang sabi.

“Hindi ako makikipag-away.”

“Good. Kasi wala akong energy m
Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App
Capítulo bloqueado
Comentários (24)
goodnovel comment avatar
Lorna Abellanoza
wow ang galante naman ni zion car ang bigay kay theo da loyal asistant dasurv nman ni theo yan.....
goodnovel comment avatar
rosana appe
Yes yes ms a haha
goodnovel comment avatar
Kaelas
Go , Z! haha
VER TODOS OS COMENTÁRIOS

Último capítulo

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 1115 A Ghost from His Past

    Hindi agad nakasagot si Felicity.Nakatitig lamang siya kay Damon habang nananatili ang mga kamay nito sa kanyang baywang. Sa ilalim ng mapusyaw na ilaw sa parke, wala na ang karaniwang pilyong kinang sa mga mata nito. Seryoso itong naghihintay ng sagot.“Are you falling for me, Mrs. Villanueva?” ulit nito.“Sa tingin mo, bagay tayo? Felicity and Damon?” untag nito sa katahimikan niya.“Bagay,” sagot nito sa sarili.“No way!”“Ang bilis ng sagot mo.” Lumapit ang mukha nito.“Hindi ako nahuhulog sa ’yo.”“Sigurado ka?”“Oo. Nagtatanong lang ako tungkol kay Divine dahil asawa mo ako. Ayokong madamay sa gulo kapag bigla siyang bumalik at habulin mo na naman. I want a peaceful life.”Umangat ang isang sulok ng labi ni Damon. “So, concerned ka sa marriage natin?”“Concerned ako sa sarili ko. Ayokong mapahiya sa ibang tao. Ngayon ko nga lang naisip na magiging annulled ako at papangit ang tingin sa akin ng ibang tao.”“Don’t worry magiging maayos ang paghihiwalay natin. I’ll take all the bl

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 1114 Are You Falling for Me?

    Mabilis na kinuha ni Felicity ang cellphone mula sa bulsa. Kinuhanan niya ng litrato ang bawat malabong larawan ng babaeng kahawig ni Divine, kasama ang petsa at lokasyong nakalagay sa gilid ng mga pahina.Narinig niyang humina ang boses ni Julian mula sa hardin. Mukhang patapos na ang tawag nito.Ibinalik niya ang mga larawan sa plastic sleeve, isinara ang folder, at inilagay iyon sa dating puwesto sa ibabaw ng coffee table. Nang bumukas ang glass door, nakaupo na siya sa sofa at nagkukunwaring abala sa cellphone.“Sorry,” sabi ni Julian habang bumabalik. “Importanteng tawag.”“Okay lang.” Tumayo si Felicity. “Aakyat na ako. Medyo pagod ako.”Tiningnan siya nito, saka ang mga folder sa mesa. “Sige. Hihintayin ko na lang dito si Damon.”Paakyat na siya nang bumukas ang pangunahing pinto.Pumasok si Damon na may dalang paper bag at maliit na kahon. Nang makita si Julian, iniabot nito ang kahon sa isang kasambahay bago lumapit sa kaibigan.“May nakuha kayo?” tanong nito.Tumango si Juli

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 1113 A Face from His Past

    “Hindi!”Masyadong mabilis ang sagot ni Felicity.Tumaas ang kilay ni Stefie habang sinusuri ang mukha niya. “Sigurado ka?”“Oo. Walang nangyari sa amin.”“Pero nag-kiss na kayo?”“Puwede bang huwag nating pag-usapan iyon?”“Namumula ka.”Hinawakan ni Felicity ang pisngi. Mainit nga iyon. Ibinaling niya ang tingin sa bintana ng café upang maitago ang reaksiyon.“Mainit lang dito.”“Malakas ang aircon.”Napangiti si Stefie, ngunit mabilis ding nawala iyon. “Felicity, gusto ko si Damon.”Napatigil siya. Siya ba? Gusto din ba niya si Damon?“Hindi ko kayo guguluhin dahil may contract marriage kayo,” pagpapatuloy nito. “Pero huwag mo siyang akitin. Kami ang endgame. Tandaan mo ‘yan.”Hindi nagustuhan ni Felicity ang tono nito. Asawa siya ni Damon, kahit may hangganan ang kanilang pagsasama. Gayunman, hindi niya masabing mali ang babala ni Stefie. Siya mismo ay hindi na nakatitiyak kung ano ang gusto niyang mangyari pagkatapos ng kasunduan.“Bakit hindi naging official ang relasyon ninyo?”

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 1112 The Gentleman She Never Knew

    Lalong lumapit ang mukha ni Damon.Hindi gumalaw si Felicity. Nananatili siyang nakapatong sa dibdib nito habang nakapulupot ang isang braso nito sa baywang niya. Ilang pulgada na lamang ang pagitan ng kanilang mga labi nang huminto ito.“Hindi mo ba gagamitin ang natutuhan mo?” tanong ni Damon. “O gusto mo talagang mahalikan?”Ibinaba niya ang sentro ng kanyang bigat, inalis ang braso nito sa baywang niya, at gumulong palayo. Tumayo siya bago pa siya muling mahuli.“Pasado ako sa final lesson,” pagmamalaki niya.Bumangon si Damon. “Tumakas ka nga, pero namumula ka naman.”“Mainit lang dito.”“Malakas ang aircon.”“Tumahimik ka.”Natawa ito habang naglalakad palabas ng training area.Binuksan ni Damon ang pinto ng SUV para sa kanya bago umikot patungo sa driver’s side.“Wow. Gentleman,” puna niya.“Baka sabihin mong hindi ako marunong mag-alaga ng asawa.”“Nagpapakitang-gilas ka lang.”“Kinikilig ka naman.”Inalis niya ang ngiti sa labi, ngunit huli na. Nakita na nito.Bago sila bumal

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 1111 Most Dangerous Wife

    Muling hinawakan ng dalawang security si Felicity.“Bitawan ninyo ang asawa ko.”Mabilis na inalis ng dalawang security officer ang mga kamay sa mga braso niya nang lumapit si Damon mula sa elevator.“Sorry, sir,” sabi ng isa. “Sinubukan po niyang pumasok sa restricted area.”Sinipat ni Damon ang kanyang mga braso na tila naghahanap ng galos. “Nasaktan ka ba?”“Hindi. Nagulat lang ako.”Binalingan nito ang mga security officer. “Sa susunod, huwag ninyo siyang hahawakan maliban kung may malinaw na panganib.”Huminto ito sa harap niya. “Ano’ng ginagawa mo rito?”“Hinahanap kita.”“Sumama ka sa akin.”“Bakit?”“Dahil ayokong marinig ng buong kumpanya ang sermon ko.”Dinala siya nito sa isang pribadong conference room. Sumunod si Julian at tumayo sa gilid, nakahalukipkip habang pinagmamasdan sila.“Ano’ng pumasok sa isip mo at sinundan mo ako nang hindi nagsasabi?” tanong ni Damon.“Ayaw mong sumagot kaya ako mismo ang naghanap.”“Pumasok ka sa isang security agency at nagtangkang lumusot

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 1110 The Girl in the Photograph

    “Anong ginagawa mo rito, Felicity?”Napalingon siya sa pinto. Nakatayo roon si Donya Mercy, hawak ang isang libro habang nakatingin sa lumang litratong nasa kamay niya.“Hinahanap ko po si Damon,” sagot niya. “Nakita kong bukas ang pinto kaya pumasok ako.”Lumapit ang matanda at sinilip ang larawan. Nagbago ang ekspresyon nito nang makilala ang babaeng nakapulupot ang braso sa baywang ni Damon.“Sino po ang babaeng ito?”“Si Divine,” sagot nito. “Siya ang first girlfriend ni Damon.”Muling tumingin si Felicity sa litrato. Mas bata roon ang asawa niya, marahil ay nasa early twenties pa lamang. Magkadikit ang ulo nila ng babae habang parehong nakangiti. Walang bakas ng kayabangan o kapilyuhan sa mukha ni Damon. Pawang lambing ang makikita sa mga mata nito habang nakatingin kay Divine.“Ano po ang nangyari sa kanila?”“Akala namin sila na ang magkakatuluyan.” Kinuha ni Donya Mercy ang litrato. “Mahal na mahal siya ng anak ko.”May kung anong kumirot sa dibdib ni Felicity. Hindi niya dapa

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 365 Between Love and Responsibility

    Habang sa loob ng ospital, sabay-sabay napalingon sa TV sina Lucas, Donya Ester, Iris, at Camille na bagong dating.Tensyonado at walang makapagsalita.“Shit, sino ang nagpakalat ng Marriage Certificate?” galit na sabi ni Lucas.“Malamang si Maya Marasigan. Mukhang gusto talaga ng gulo ng babaeng iy

    last updateÚltima atualização : 2026-03-28
  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 385 The Taste of a Dream

    Kumatok si Dahlia, may bitbit na mangkok na may takip si Maya.“Mang Dennis! May dala po kaming lugaw!”Mabilis na napalingon si Lucas.“Oh no,” bulong niya, napatayong bigla. Nasa harapan pa rin niya sina Iris at Daryl.“Bro,” sabi ni Daryl, “Si Maya ba ‘yun?!”“Kuya, anong gagawin namin? Baka maki

    last updateÚltima atualização : 2026-03-28
  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 387 A Scar and a Secret

    Hinawakan ni Lucas si Maya. “Pumasok ka na sa loob. Titignan ko. Baka hayop lang ‘yon.”Dahan-dahan itong tumango. “Salamat, Mang Dennis.”“Wala ‘yon,” mahinahon niyang sagot, tinatago ang kaba. Pero habang tinitingnan niya ang babae, may isang panata siyang muling binuhay sa puso.Kahit anong mangy

    last updateÚltima atualização : 2026-03-28
  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 335 Feels So Right

    “Huwag mong sagutin,” ani Lucas.“Naku, mangungulit ‘to.”“Sabihin mo, hindi mo ako kasama at hindi mo alam kung nasaan ako.”Sinagot ni Daryl ang tawag.“Where is he?” bungad ni Camille. “Tell me where Theodore Lucas Esguerra is, Daryl.”Nagkatinginan ang dalawa.“Hello, Ma’am Camille, hindi ko po

    last updateÚltima atualização : 2026-03-27
Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status