Ang alam lang niya, hindi na ordinaryong bata si Nate sa paningin niya. Hindi ito basta anak ni Fiona. Hindi ito basta batang mahilig sa chocolate at may magic smile.“Anak,” sabi ni Fiona, pilit na banayad ang boses kahit ramdam ni Theo ang kaba rito, “balik ka na sa play area, okay? Mag-start na ang work namin.”Bumaling si Nate sa kanya. “Play po ulit tayo bukas?”Hindi kaagad siya sumagot.Tumingin siya kay Fiona.“Paalam ka sa mommy mo, kapag pinayagan ka, pwede tayong maglaro,” sabi niya.Lumiwanag ang mukha ng bata. “Okay po.”Tumayo si Fiona at mabilis na hinaplos ang buhok ni Nate. “Sige na, anak. Balik na kayo ni Yaya sa play area.”Lumapit si Nate kay Theo bago umalis at itinaas ang maliit na kamay. “Pinky promise po? Play tayo ulit?”Natigilan si Theo.Pinky promise.Dahan-dahan niyang iniangat ang kamay at isinabit ang maliit niyang daliri sa daliri ni Nate.“Pinky promise,” sabi niya.Ngumiti si Nate, pagkatapos ay kumaway kay Fiona. “Bye, Mommy! Bye, Sir Theo!”Pinanood
Read more