Biglang huminto ang kalabaw at yumuko para kumain ng damo sa gilid ng daan.Napatingin si Fiona sa langit. “See? Ako naaawa sa kalabaw.”“Breakfast break,” sabi ni Theo.“Pati kalabaw may break. Sana all!”“May kayakap ka kagabi. Okay na ‘yon.”Mabilis niyang hinampas ito.Napangiwi si Theo, pero pigil ang tawa.“Alam mo dapat maglakad ka na lang, kawawa ‘yong kalabaw, ang bigat mo,” aniya kay Theo.“No way, kayang-kaya ako ng kalabaw.”Nang makarating sila sa bahagi ng daan na sobrang putik at may maliit na sapa, kailangan nilang bumaba. Alanganin ang hakbang ni Fiona dahil sa paa niya.Agad na lumapit si Theo.“Kaya ko,” sabi niya.“Alam ko.”“Then bakit mo ako binubuhat?”“Baka madulas ka na naman.”Bago pa siya makaprotesta, binuhat na siya nito.“Theo!”“Shh. Baka mainggit ang kalabaw. Sabihin niya, sana all binubuhat.”Hindi niya napigilan ang tawa. Napakapit siya sa leeg nito habang tinatawid siya sa maputik na bahagi. Nang makarating sila sa kabila, maingat siyang ibinaba nito
Read more