Ceelin "Get off her, bastard!" galit na sigaw ni Phil mula sa pintuan. Inilang hakbang lang at agad na itong nakalapit sa lalaki. Hinila nito ang lalaki palayo sa akin at sinapak sa mukha. "I will kill you, bastard!" Galit na galit ang anyo ni Phil habang walang tigil na sinusuntok sa mukha ang lalaki. "Enough, dude. Baka mapatay mo siya. We still need that bastard to know if someone is behind him," pigil ng lalaking kasama ni Phil na pumasok sa VIP room. "Asikasuhin mo na lang si Ceelin at mukhang hindi maganda ang lagay niya. Ako na ang bahala sa gagong iyan." Huminto naman si Phil sa pagsuntok sa mukha ng lalaking halos wala ng malay at mabilis akong nilapitan. Nakahiga ako sa couch at tahimik na lumuluha. I was almost violated by that man. I will never forgive Lucy for this. "Are you okay, Ceelin?" nag-aalalang tanong ni Phil sa akin. But I was still in shock kaya hindi ako makapagsalita. "Damn it! Answer me, Ceelin!" muling tanong nito nang hindi ako sumagot sa kanya.
Last Updated : 2026-02-25 Read more