Kinaumagahan…“Uy, parang ang blooming mo ngayon ah. Anong meron?” tanong ni River habang nakatingin kay Lily na tahimik na kumakain sa hapag-kainan.“Wala naman. Bakit ang aga mo ngayon?”“May aayusin lang ako,” sagot ni River habang nakangiti, saka sumulyap sa lalaking lumabas mula sa kwarto.“Aayusin? Kanino?” tanong ni Lily na halatang nagtataka.“O, ayan o,” sagot ni River sabay turo kay Franco na dumarating na may matalim na tingin.“Gising ka na pala, Franco. Halika, maupo ka na at kumain,” sambit ni Madame Camila habang kinawayan ang anak.“Uy, Lily, dumating na pala yung prenup photos natin,” ani River sabay kuha ng envelope at inilapag ito sa mesa. “Alin ba dito ang gusto mo?”“Bahala ka na,” mahinang sagot ni Lily habang lihim na sumusulyap kay Franco, na halatang napalungkot ang mukha.“Lahat gusto ko, to be honest,” ani River habang nakangiti. Tapos ay tumingin siya kay Franco na agad namang umiwas ng tingin. “Tulungan mo naman kami piliin, oh. Ang ganda ni Lily sa lahat n
Read more