Makalipas ang ilang sandali…“Bakit ka ngumingiti mag-isa diyan, Elaine?” tanong ni Vanessa habang nakakunot ang noo sa kaibigan.“Bes, tingin ko nakita ko na talaga ang destiny ko,” sagot ni Elaine na may malalim na ngiti sa labi.“Sino? Saan? Kanino?” sabat ni Annie na agad na-intriga.Ngunit hindi pa man nakakasagot si Elaine, napatigil na lang siya nang makita ang lalaking pinag-uusapan niya... na kasalukuyang nakahawak-kamay papalapit kasama ang matalik niyang kaibigan.“Uy, Kuya Franco! Hi po!” bati ni Vanessa habang kumakaway. “Kayo po pala ang sumundo kay Lily ngayon?”“Oo, may isang makulit kasi na nagyayang manood ng sine,” sagot ni Franco sabay gulo ng buhok ni Lily na parang batang inaasar.“Elaine, hindi mo pa pala nakikilala si Franco, ‘no?” ani Lily habang humarap sa kaibigan. “Elaine, si Franco, boyfriend ko. Honey, siya si Elaine, isa sa pinakamatalik kong kaibigan.”Tumango lang si Franco bilang pagbati, hindi na nagsalita pa.“O siya, una na kami ha,” paalam ni Lily.
Read more