NAG-ANGAT ako ng tingin kay Gary nang makita ko ang pagtayo niya mula sa aking tabi. "Magpapabili ka?" tanong niya sa akin ng sulyapan niya ako. "Saan ka ba pupunta?" tanong ko naman sa kanya. "Sa cafeteria. Bibili ng ulam," sagot naman niya sa akin. "Oh," sambit ko. Saglit akong napatingin sa paperbag na aking dala bago ko ibinalik ang tingin sa kanya. "Huwag ka nang bumili ng ulam, nagbaon ako at marami iyong binaon ko," sabi ko sa kanya. "Nakakahiya naman, Kate," wika niya sa akin, napakamot pa ng ulo. Nginitian ko siya para hindi siya mahiya sa akin. "Huwag ka nang mahiya. Sayang naman iyong binaon ko, hindi ko din mauubos lahat, eh," sabi ko sa kanya. Sinadya ko talaga na damihan ang babaunin ko dahil balak kung bigyan si Trey. Hindi ko maipaliwanag pero siya agad ang naisip ko kanina habang nagpa-pack ako ng lunch na babaunin ko sa pagpasok ko ng opisina. Nagbabaon ako dahil ayokong kumain sa cafeteria sa opisina dahil hindi ako makakain ng maayos dahil lagi kong na
Last Updated : 2025-09-03 Read more