Kate Napatingin ako kay Trey nang maramdaman ko ang paghawak niya sa aking kamay na nasa kandungan ko. “I’m here, Kate,” wika niya sa akin, naramdaman ko nga din ang pagpisil niya sa kamay kung hawak niya na para bang gusto nitong ipahiwatig sa kanya na naroon lang ito. “I will always here, okay?” Nakangiting tumango naman ako bilang sagot sa sinabi niya. Nandito kasi kami sa mansion dahil gusto akong makausap ng Papa ko. Tumawag siya sa akin kaninang umaga para sabihin na magpunta ako sa mansion dahil may gusto siyang sabihin. At nang tumawag siya sa akin ay naroon si Trey kaya alam niya na pinapatawag ako. At gusto nga niya akong samahan na magpunta sa mansion, pumayag ako dahil gusto kong naroon si Trey, gusto kong may kakampi. Wala kasi akong kakampi sa mansion dahil ang sarili kong ama ay mas pinapaboran niya ang pagalawang pamilya niya. Mas mahal pa niya ang mga ito kaysa tunay niyang anak. “Baba na tayo?” mayamaya ay wika ni Trey sa akin. At nang tumango ako ay binitiwan n
Read more