Kate Umalis ako mula sa pagkakasandal ng aking ulo sa balikat ni Trey nang makarinig kami ng katok na nagmumula sa labas ng opisina niya. Napansin ko nga ang pagsasalubong ng mga kilay niya ng tumingin siya sa akin ng bahagya akong lumayo sa kanya. Inalis ko naman ang tingin sa kanya ng tuluyang bumukas ang pinto at pumasok doon si Gary. "Sir Trey, nasa conference room na po ang mga pinatawag niyo," pagbibigay imporma ni Gary kay Trey. "At ito na po ang kopya ng CCTV footage na pinapakuha niyo sa akin," dagdag pa na wika niya sabay abot sa isang USB. Seryoso ang ekspresyon ni Trey na kinuha niya iyon. "May ipag-uutos pa ba kayo, Sir?" tanong pa ni Gary. "I’ll let you know when I need you to do something," wika ni Trey. "Sige, Sir," sagot ni Gary bago siya nagpaalam na aalis. Tumango naman si Trey. At nang makalabas si Gary ng opisina ay tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa tabi ko. At nang sundan ko siya ng tingin ay nakita kong lumapit siya mula sa executive table niya
Huling Na-update : 2025-10-01 Magbasa pa