Kate Napatingin ako kay Sir Gary nang makita siyang nag-aayos na ng gamit. Pagkatapos ay tiningnan ko ang wristwatch na suot, nakita kong mag-a-alas dos na ng hapon. Mag-a-undertime ba siya? "Mag-a-undertime ka, Sir Gary?" tanong ko sa lalaki. Tumingin naman siya sa akin. "Hindi. Naghahanda lang ako dahil mamaya ay lalabas na si Sir Trey. Hindi ba may ka-meeting siya mamayang alas tres?" Pagpapaala niya sa akin. Tumango naman ako bilang sagot nang maalala iyon. "Sa tuwing may meeting siya, minsan ay sinasama niya ang secretary niya para mag-take down note ng mga napag-usapan at para magawan ng minutes of meeting," imporma niya sa akin. "Kasama ba ako?" tanong ko naman, hindi ko alam kung kasama ba ako sa pag-alis nila. Pero gusto kong malaman kung kasama ba ako para naman makapaghanda din ako. "Hindi ko alam, Ma'am Kate," sagot niya sa akin. "Kate na lang itawag mo sa akin, Sir Gary. Huwag mo na lang akong i-maam," wika ko sa kanya. "Okay. Pero Gary na din ang itawag mo
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-08-03 อ่านเพิ่มเติม