Kate "Can we talk, Kate?" Mas lalong kumunot ang aking noo nang mapansin ko na lasing si Gio. Naamoy ko kasi ang alak sa katawan niya, hindi lang iyon napansin ko din ang namumulang pisngi niya. "Wala na tayong pag-uusapan, Gio," wika ko naman sa kanya. "Kaya umalis ka na. At huwag ka nang babalik," dagdag ko pa. Hindi ko na nga din siya binigyan ng pagkakataon na magsalita dahil isinara ko na ang pinto. Pero bago ko pa iyong maisara ay pinigilan na niya ang pagsara niyon. Hindi ko naman napigilan ang mapakunot mg noo habang nakatingin ako sa kanya. "Let's talk, Kate. Please..." "Sinabi ko ng wala na tayong pag-uusapan pa," wika ko sa kanya. "I still love you, Kate," wika niya sa akin. "And I know you still love me, too," dagdag pa na wika niya. Gusto ko sanang matawa pero hindi ko na lang itinuloy. "The moment you cheated on me, my love for you vanished, Gio," wika ko sa kanya. Umiling-iling naman siya na para bang hindi naniniwala sa sagot ko. "Sinasabi mo lang iyan dahi
Last Updated : 2025-09-09 Read more