Aria's Point of ViewNapansin ko ang pagtutol ni Damian sa sinabi ko, pero wala na siyang magagawa. Sasama ako sa kanya, sa ayaw at sa gusto niya. Nasira kasi ang kotse ko kahapon at nasa talyer pa, inaayos. Kasalanan rin naman niya! Kung bakit ba hindi niya sinagot ang tawag ko kagabi.His dad called, wanted to talk to him. Nataranta ako, hindi alam ang gagawin, kaya tinawagan ko siya para magpalusot—but he didn't answer. Ang sabi ko sa daddy niya, naliligo lang siya, kaya kahit gabi na ay pilit kong hinanap ang location niya.At nalaman ko na lang... nakatulog pala siya dahil sa kalasingan. Nang tumawag ulit ang daddy niya, napilitan akong sabihin ang totoo. Wala na akong nagawa.Muntik pa akong mabangga kagabi. Paano kasi—narinig ko ang usapan nila ng kaibigan niya.'Your wife and you are both in denial.'Nanatili ang katagang iyon hanggang pag-uwi ko, kaya muntik na akong aksidente. Mabuti na lang at si Ezekiel lang iyon, sinamahan niya akong ipaayos ang sasakyan ko at nag-offer
Last Updated : 2025-10-04 Read more