Aria’s POV“Ezekiel,” mahina kong sambit ng pangalan niya, at saka ko sinipat ang kabuuan niya. Hindi ako makapaniwala—tama ang hinala ko.Sandali akong napatigil. Nakalimutan ko kung bakit nga ba ako narito.Pero ang enerhiya niya… hindi tumutugma sa akin. Tahimik lang siya, nakatitig, parang sinusuri ang bawat galaw ko.Biglang bumigat ang dibdib ko. He wasn’t the same Ezekiel I used to know. Kaya bahagya akong yumuko, halos umamin sa pagitan ng mga salita ko.“S-sorry,” ang tanging lumabas sa labi ko. Tumango lang siya. Kaya naupo ako sa kabilang side, pinilit gawing pormal ang mukha ko.Tandaan mo, Aria. Hindi ka puwedeng magkamali rito.“So—” hindi ko pa natutuloy ang sasabihin nang marinig ko ang mahinang tawa niya.“I’m sorry,” sabi niya habang natatawa pa rin. Tumikhim siya, pero ramdam ko pa rin ang ngisi sa gilid ng labi niya. “Aria,” tawag niya ulit, malalim, parang dagat na may alon pero laging kalmado.Ramdam ko ang pamimigat ng gilid ng mata ko. Pigil. Iniiwasang maging
Terakhir Diperbarui : 2025-08-21 Baca selengkapnya