Aria's PovInalalayan niya ako the whole time—mula noong lumabas ako ng ospital. Bitbit niya ang mga gamit namin at ni minsan, hindi niya ako iniwang mag-isa. "Hindi naman ako baldado," mahina kong bulong, pero narinig pa rin niya."You need to take care of yourself," mahinahon niyang sagot, parang tinitimbang kung paano ko tatanggapin ang mga salita niya.Hindi na ako umapila pa. Hinayaan ko siya sa ginagawa niya. Kahit noong ipinasok niya ako sa passenger seat, inalalayan niya pa rin ako, maging sa paglagay ng aking seatbelt.Bahagya kong narinig ang mabigat niyang paghinga, at agad kong itinaboy ang kung anumang ideyang gustong pumasok sa isip ko.Mali ito. Mali lahat. Imposibleng mangyari kung anuman ang nasa isip ko.Maaaring ilusyon ko lang lahat ng ito. Huminga ako nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili.Pagdating namin sa bahay, sinalubong kami ng mga katulong. Gusto nilang tulungan ako, p
Last Updated : 2025-11-01 Read more