Chartlotte Kinabukasan, bago kami umalis patungo sa mall. Bumaba muna kami sa office ni Alexaiver. Isinama ko ang kambal para makita nila Ate Mel at May. Kasi sina Naomi at Jade, nakita na naman ng personal ang kambal. "Si Alzen po at Amhella, kambal po sila Ate Mel," saad ko. "Hindi nga ako nagkamali bago ka umalis dito hula ko talaga ay buntis ka. Hindi mo lang napapansin. Ilang beses kita kaya nakasama sa lunch kaya napansin ko noon," "Opo, buntis na talaga ako noon iyon nga lang, hindi ko nga lang po talaga pinaalam kay Alexaiver noon," wika ko. "See, alam ko kasi dame kayo nagtaguan ng damdamin ni boss," biro pa ni Ate Mel. Tuwang-tuwa sina Naomi at Jade maging sina ate May at ate Mel masayang pinagmamasdan ang kambal. “Chartlotte, hindi na kailangan ng DNA test ano? Tingnan na lang si Alzen, Sir Alexaiver na. Batang version ni boss, aba,” wika ng Ate Mel. Tumingin din siya kay Amhella. “At itong Chartlotte liit. May nakuha rin naman kay boss, mas marami lang talaga
Huling Na-update : 2025-10-21 Magbasa pa