Chartlotte “Itatayo naman daw agad ang orphanage sabi ni Sister. Mas maganda nga raw ngayon kasi bago na. Almost 20 years na rin pala iyon nakatayo. Iyon lang kasi nga may sentimental value kay Sister Naria, dahil nga mama niya ang may-ari ng bahay bago niya gawin bahay ampunan.” “Kapag talaga aksidente walang magagawa. Pasalamat na lang dahil walang nasaktan na bata,” saad ng Kuya Atlas, kahit ako iyon din ang katwiran ko. Pagkatapos namin kumain. Saglit pa nagkwentuhan sina Alexaiver at ni Kuya Atlas. Si Amhella, napipikit na sa tabi ko, kaya kinuhit ko na si Alexaiver, na umuwi na kami. “Love?” lumingon siya sa akin ng tinawag ko. “Inaantok na ang mga bata. Uwi na tayo?” bulong ko. Sumang-ayon siya nagpaalam sa Kuya Atlas. “Kuya, so paano kami'y uuwi na late na rin may pasok pa bukas,” saad ni Alexaiver pagkatapos ay nagtapikan sila na magkapatid ng balikat at tumingin din ako sa Ate Andrea para magpaalam ako. “Ate Andrea, salamat ulit sa pagbabantay dito sa dalawang makulit
Terakhir Diperbarui : 2025-11-01 Baca selengkapnya