Chartlotte “Hello, ate Ate Andrea?” “Anong nangyari kay Alzen. Hindi na raw tuloy ang mga bata. Tumawag sa ‘kin si Alexaiver, may lagnat daw si Alzen, kaya sa sunod na lang daw kayo mag-date. Baka nanibago sa pagbabad natin sa pool kahapon,” aniya halata sa boses ang kaniyang pag-aalala. “Iyon nga rin ang naiisip ko, Ate Andrea. Pinainom ko na ng gamot ‘wag ka ng mag-aalala,” nangiti ako dahil ang dami niyang bilin isa na roon ang gamot na kailangan painumin. May sinabi siyang brand ng paracetamol. Kapag daw hindi hiyang si Alzen. Subukan daw iyon. Kasi iyon daw lagi ang pinaiinom niya kina Jeselle at Layvee kapag daw meron lagnat. “Oo, sige, Ate Andrea,” sang-ayon ko na lang para matapos na usapan. Na-appreciate ko rin naman ang bilin ni Ate Andrea. “Tumawag lang ako para kumustahin si Alzen. Excited na nga sana ang mga bata sabi ko marami pang next time,” “Ganun din si Amhella pero hindi na namilit kasi naintindihan niyang may lagnat ang kapatid niya,” sagot ko sa kaniya.
Huling Na-update : 2025-10-26 Magbasa pa